RIZAL – NASAWI ang isang komander ng New People’s Army (NPA) at dalawang kasamahan nito matapos manlaban nang salakayin ng militar at pulisya ang kanilang safehouse sa Antipolo City kahapon ng madaling araw.
Kinilala ang namatay na NPA commander na si Armando Lazarte alyas Pat Romano, na nagsisilbing Secretary ng Southern Tagalog Regional Party Committee’s Sub-Regional Military Area 4A.
Si alyas Pat Romano ay isa sa responsable sa panununog ng mga equipment sa ginagawang Kaliwa Dam project sa Infanta, Quezon at sangkot din sa sunod-sunod na pananambang sa mga pulis noong 2018.
Ayon kay Captain Jayrald Ternio, Spokesperson ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army nagkaroon muna ng ilang minutong sagupaan bago napasok ng mga sundalo at pulis ang safehouse ng NPA commander na makikita sa Brgy. Cupang.
Nakuha sa safehouse ng mga nasawing NPA ang isang M16 rifle, isang 9mm pistol, isang cal .45 pistol, dalawang hand grenades, laptops, cellphones at mga mahahalagang dokumento ng mga NPA. REA MAMOGAY
Comments are closed.