VERY comfortable na talaga sa isa’t isa ang magka-love team na sina Jeric Gonzales at Klea Pineda, tulad nang sabi nila sa mediacon ng bago nilang GMA Afternoon Prime drama series na “Magkaagaw.”
Nang i-introduce na ang buong cast na kinabibilangan nina Sunshine Dizon, Sheryl Cruz, Polo Ravales, Dennis Padilla, Isay Alvarez, Lovely Abella, Patricia Tumulak, Joanna Marie Tan, nang magkatabi na sina Klea at Jeric, magka-holding hands na sila at kahit after ng mediacon at ini-interview na ng “24 Oras” ang dalawa, magka-holding hands pa rin sila nasa likod nila ang mga kamay nila.
Sa “Magkaagaw,” young husband and wife ang characters nila as Jio and Clarisse respectively, kaya nagkaroon sila ng anak. Pero maaagaw ni Veron Santos (Sheryl) si Jio, nang malaman niyang si Clarisse ay anak ng kanyang mortal enemy na si Laura Santos (Sunshine) at gusto niyang maghiganti. Maraming love scenes at kissing scenes si Jeric kina Klea at Sheryl, kaya pinag-compare sa kanya ang mga eksenang iyon.
“With Klea po, it was a passionate love scene, but with Ms. Sheryl, it was the aggressive ones,” sagot ni Jeric. “It’s good po na nagkaroon kami ng familiarity workshop ni Klea, kaya po naging comfortable kami sa isa’t isa.”
“Napaka-gentleman po ni Jeric sa mga love scenes namin,” say naman ni Klea. “Wala na po kaming personal preparation, pakiramdaman na lamang. Hindi nalilimutan ni Jeric tanungin ako kung saan ako comfortable at kung okey lamang ang ginagawa namin sa eksena. At saka nandoon po naman si Direk Gil Tejada to guide us.”
Second team-up na ito nina Jeric at Klea dahil last year, sila rin ang magka-love team sa “Ika-3 Utos” pero gumanap lamang silang mag-sweetheart. Itinuloy na lamang nila iyon ngayong muli silang nagtambal.
“Nakatulong din po sa amin na binigyan kami ng GMA Regional TV ng mga mall shows sa Iloilo at Cebu, to promote “Magkaagaw,” kaya lalo po kaming naging close na dalawa.”
Ang maganda pa sa dalawa, dahil pareho namang single, nang tanungin kung pwede bang maging sila, sagot nila, “why not po.” Wala rin naman kasi silang ka-love team separately.
May special participation si Quezon City Congressman Alfred Vargas sa “Magkaagaw,” na sa Monday, October 21 na, ang world premiere after ng “Eat Bulaga” at mapapanood ito from Mondays to Saturdays.
SUNSHINE DIZON MARIING SINABI NA NEVER SIYANG MAGIGING KABIT
IPINAGDIINAN naman ni Sunshine Dizon na never siyang magiging kabit tulad ng character niyang si Laura Santos na naging kabit ni Mario (QC Congressman Alfred Vargas), pero hindi niya nililimitahan ang pagganap niya sa role na ginagampanan niya ngayon sa GMA Afternoon Prime series na “Magkaagaw.”
“As an actor, I will accept any role lalo na if challenging,” say pa ni Sunshine. “Hindi kasi kasalanan ni Laura kung hindi niya alam na may asawa na pala ang lalaking kanyang pinakasalan.”
Natawa na lamang sina Sunshine at Sheryl nang tanungin sila kung nagkasakitan sila sa mga matutunog na sampalan nila sa serye. Maayos daw nilang nagampanan iyon dahil kabisado na nila ang gagawin at nandoon naman si Direk Gil Tejada.