KASUNOD ng nangyaring pagsabog sa Beirut, Lebanon kung saan kasama ang apat na Pinoy sa mga na-sawi at pagkasugat ng marami, iginiit ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang pangangailangan ng kom-prehensibong paghahanda at assistance sa mga Pinoy na nahaharap sa krisis sa ibang bansa.
Pinuri naman ni Go ang mabilis na pagtugon ng Philippine Embassy sa Beirut sa pangangailangan ng mga apektadong Pinoy roon kasabay ng panawagan na mas pag-ibayuhin pa ang pagbibigay ng public service sa mga Pinoy sa ibang nasyon.
Sinabi ni Go na maliban sa mga hinaharap na problema ng bansa ngayon sa COVID-19 ay dapat ding kasama sa mga prayoridad ang pagtiyak sa kapakanan ng mga kababayan na apektado ng krisis.
Ayon kay Go, batid naman ng lahat na maraming bansa ang apektado ng krisis kaya naman asahan na ang pagkawala ng trabaho ng ilan sa abroad kaya dapat paghandaan ang pagtulong sa mga ito kasama na ang repatriation.
Dagdag pa ni Go na masakit mawalay sa pamilya pero tinitiis ito ng mga OFW para lamang maibigay ang pangangailangan ng mga mahal nila sa buhay. Base sa Philippine Development Plan 2017-2022 at ang Duterte Administration National Security Policy, nakasaad dito ang pagprotekta sa karapatan at ang maitaguyod ang kapakanan ng mga OFW na tinatayang 10% ng populasyon ng bansa.
Matatandaan na nakabase rin dito ang panawagan nina Pangulong Duterte at Go sa pagtatatag ng De-partment of overseas Filipino xorkers na tututok sa kapakanan ng mga manggagawang Pinoy sa abroad. VICKY CERVALES
Comments are closed.