KONGRESO INAPRUBAHAN ANG BILL PARA SA MANDATORY SIM CARD REGISTRATION

INAPRUBAHAN na ng Kongreso ang isang bill na dapat nakarehistro ang Subscriber Identity Module (SIM) cards sa kanilang ikatlo at pinal na reading.

Ang pinal na boto ay bumaba sa 167 na bumoto para sa kautusan, 6 ang ang kumontra at wala namang hindi bumoto.

Ang panukalang SIM Card Registration Act ay naglalayon na matulungnan ang law enforcement agencies para masubaybayan ang mga criminal na gumagamit ng mobile phones na may postpaid at pre-paid SIM cards para maipagpatuloy ang kanilang gawaing illegal, tulad ng kidnapping for ransom at maging maliliit na krimen tulad ng pagnanakaw.

Ang kautusan ay may mandato ng pagbebenta at registration ng SIM cards na nag-uutos sa bawat Public Telecommunication Entity (PTE) o direct seller na obligahin ang end-user o ang gagamit ng SIM card na pagpresenta ng kanilang balidong identification card na may larawan para masiguro ang kanyang pagkakakilanlan.

Ang isa pang mandato para sa mga kasalukuyang mobile phone subscribers na may prepaid SIM cards na magparehistro ng ka-nilang respective PTE. Ang hindi pagpaparehistro sa loob ng prescribed period ay magbibigay ng awtorisasyon sa PTE para agad madeactivate ang kanilang serbisyo sa concerned prepaid SIM card subscriber.

Lahat ng direct sellers ay magkakaroon ng mandato na irehistro sa SIM card registration form ang mga sumusunod na impor-masyon: buong pangalan, petsa ng kapanganakan, gender at address ng gagamit na nakalagay sa valid government-issued identifica-tion document na may litrato.

Ang kautusan ay magre-require sa end-users na dayuhan na magrehistro ng kanilang buong pangalan, passport number, at ad-dress sa SIM card registration form.

Kakailanganin ng PTE na magsumite sa Department of Information and Communications Technology (DICT) ng verified list ng kanilang kasalukuyang authorized dealers/agents nationwide, sa loob ng 30 araw matapos ang effectivity ng batas.

Ang mga lalabag sa PTE ay pagbabayarin ng multa na P300,000 para sa first offense; P500,000 sa second offense; at P1 million para sa pangatlo at mga susunod na paglabag.

Kung ang paglabag ay nagawa ng direct seller, siya ay pagbabawalan ng magtinda ng SIM cards at pag-mumultahin ng P5,000 hanggang P50,000.

Comments are closed.