BASE sa mga batas na binabalangkas ngayon sa lower house, kapansin-pansin na nakasentro ang mga panukala nilang mga batas para sa mga mahihirap.
Nasa 3rd reading na ang pagbasura ng ‘no permit, no exam policy’ ng mga paaralan.
Ayon kay Speaker Martin Romualdez, nakapokus ngayon ang 19th Congress na maibsan ang kahirapan ng mga tao.
“Galing tayo sa pandemic, siyempre, we in Congress are looking for ways na mabawasan ang paghihirap ng mga tao na dulot ng Covid,” ayon kay Speaker Romualdez.
“Ang hindi pagbigay ng exam sa bata dahil sa delay o hindi makabayad ng tuition ang magulang, is the last thing that we need,” ani Romualdez.
Lusot na rin sa 3rd and final reading ang panukalang batas na bigyan ng P1 milyon ang bawat senior citizen na umabot ng 100 years old.
“Hindi na tatagal ang buhay nila kaya why not give them the best or at least make comfortable their remaining days here on earth,” dagdag pa ng mambabatas.
Bukod sa mga panukalang batas na pro-poor, nakabantay ang Kongreso sa mga problema ng bayan tulad nang pagsirit ng presyo ng sibuyas dahil nagkakaubusan ang suplay noon.
Ayon kay Speaker, “nagpa-imbestiga kami sa Kongreso at napatunayan namin na tinatago ang suplay para magmahal ang sibuyas.”
“Na-address na natin ang problema na yan at patuloy kaming magbabantay sa mga pang-aabuso o pagpapahirap pa sa mga mamamayan,” dagdag pa ng mambabatas mula sa Leyte.
Panghuli, sinabi ni Romualdez na, “I assure you na this Congress will focus more sa ikagiginhawa ng buhay ng mga kababayan natin lalo na yung mga mahihirap.”