MAGTATAYO ang Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 8 ng P468.14 milyong halaga ng mga gusali para sa iba’t-ibang state universities and colleges (SUCs) sa Eastern Visayas sa susunod na taon.
Inanunsyo ng ahensya ang kanilang kasunduan sa 10 SUCs sa rehiyon para sa infrastructure development program na pinondohan sa ilalim ng 2024 national budget.
“The partnership represents a strategic effort to improve the educational system through high-quality infrastructure. The DPWH indeed plays a crucial role in the development, as well as in the implementation of improved and innovative educational infrastructure that caters to the needs of students across various regions in the Philippines” ayon sa DPWH-8.
Kabilang sa mga pondong ilalaan ay ang P106 milyon para sa Biliran Province State University, P50 milyon sa Palompon Institute of Technology, P40 milyon sa Eastern Samar State University, P45.6 milyon sa Visayas State University, P77.94 milyon sa Eastern Visayas State University, P95 milyon sa Leyte Normal University, P13.6 milyon sa Northwest Samar State University, P15 milyon sa Southern Leyte State University at P25 milyon sa University of the Philippines-Manila School of Health Sciences sa Palo, Leyte
Kasama sa mga proyektong gagawin ang pagtatayo at rehabilitasyon ng mga academic building, covered courts, dormitoryo, laboratoryo, learning resource center at innovation at incubation centers.
Nakasaad sa Special Provision No. 5 ng General Appropriations Act ng 2024 na ang DPWH ang mangangasiwa sa implementasyon ng mga proyekto ng SUCs na may halagang higit sa P5 milyon.
RUBEN FUENTES