(Kontrabando itinago kay “Manoy”) DRIVER NAGTANGKANG MAGPUSLIT NG DROGA

kush

PASAY CITY – ARES­TADO ang isang transport network vehicle service (TNVS) driver makaraang mabisto sa tangkang pag-pupuslit ng droga sa loob ng Pasay City jail para sa kanyang pinsan na nakakulong.

Kinilala ni Pasay City Jail Warden Supt. Joe-Jay Arejola ang suspek na si Jonathan Roxas, 31, residente ng 118 Maginhawa St. Pasay City.

Base sa report ng Pasay City police,  dakong alas-4:10 ng hapon nang dalawin ni Roxas si Patrick Roxas at Noah Rodriguez  kung saan dumaan sa body search sa duty searcher Jail Officer 1 Brel Gosimat Roxas ng Bureau of Jail Managament and Penology ng Pasay City Jail (BJMP) at nadiskubre na may dala itong 40 gramo ng shabu at ang pinatuyong hybrid marijuana (KUSH) na nagkakahalaga ng P200,000 na nakapulupot sa isang plastic at nakaipit sa ari ng suspek.

Sa imbestigasyon ng pulisya, inamin ni Roxas na ipinadala lamang sa kanya ang droga kapalit ng halagang P10,000 at ibibigay kay Picatcho Rodriguez na nakakulong din sa naturang piitan.

Sa isinagawang follow-up operation ilang oras matapos ang pagkakaaresto kay Roxas ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Pasay City police ay isinailalim sa pagsusuri ang nakaparadang sasakyan ni Roxas na may plakang conduction sticker VK-6060 kung saan nakarekober pa ang mga operatiba ng tatlong bulto ng plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P1 mil­yon, 2 plastic sachet ng pinatuyong marijuana at isang kalibre 9mm pistol.

Napag-alaman din ng pulisya na si Roxas ay dati na ring nakulong sa kasong droga noong 2016 at nakalaya lamang matapos itong makapag-piyansa.     MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.