UMAASA ang pamahalaan na maseselyuhan na sa Enero ang kontrata para sa potensiyal na COVID-19 vaccine.
Ito ang binigyang diin ni vaccine czar at National Task Force COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez kaugnay ng isyu na mayroong pagkukulang ang pamahalaan na tiyaking mayroong suplay ng bakuna kontra COVID-19 ang bansa.
Sinabi ni Galvez, target nilang maayos na ang kontrata para sa COVID-19 vaccine na likha ng Pfizer BioNTech bago matapos ang buwan ng Disyembre o sa unang linggo ng Enero.
Ani Galvez, hinihintay pa nila ang validation mula sa headquarters ng Pfizer at sa oras na magkaroon ng kumpirmasyon at impormasyon mula sa kompanya ay magpipirmahan na lamang ng kontrata. DWIZ882
Comments are closed.