KOREAN PARTNER NI JAMES MALAMANG NA DAHILAN NG HIWALAYAN NILA NI NADINE

JAMES REID

UNANG pasabog ng 2020 ang hiwalayang James Reid at Nadine. Trending angreflection breakup issue ng reel-and-real loveteam. But until now, ‘di pa rin naglalabas ng anumang statement mula sa kampo ni James at Nadine.

May balitang nag-alsa balutan na si Nadine sa apartment ni James. Inamin naman nila sa publiko na nagli-live in sila noon pa man.

Kung tahimik ang kampo ni Nadine, lumabas naman in public si James as one of the performers sa New Year’s eve countdown sa Eastwood City.

Sa paghihiwalay ng JaDine loveteam, ano na kaya ang aasahan ng kanilang fans sa 2020.

Si James may bagong serye sa Dos ka-partner ang isang Koreana from a popular all-female group.

Hmm…’di kaya ito ang isa sa dahilan ng away nila ni Nadine?

Oh, well. Life must continue to go kay Nadine especially pagdating sa kanyang career. Kung ‘di pa umaalis si Nadine sa pangangalaga ng Viva, may chance pa na umalagwa ang career niya as a solo artist.

Hindi ba’t ganyan naman ang nangyayari sa mga loveteam?

Ang babae talaga ang nagpapatuloy at umaangat ang career kapag nagsolo na, ‘di ba?

If true, paano na si James?

Sana lang ma-handle ng mabuti ng Daddy ni James at bago nilang talent management ang career niya.

Bukod sa akting, nakakapag-compose naman siya at kumakanta. Kaya baka maiba naman ang kuwento ng mga nagkakahiwalay na loveteam sa showbiz this time.

Iba na rin kasi ang panahon at klase ng fans ngayon.

PIA WURTZBACH  MAINIT ANG PASABOG SA 2020

MAINIT na pasabog din ang pambungad ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa 2020 via her Instagram post na nakasuot ng sexy pink bikini.

Sa baba ng piktyur ay may caption ito na ganito, “First breakfast of 2020.”

Tulad ni Nadine Lustre, break na rin si Pia sa sports car racer boyfriend niya na si Marlon Stockinger after three years of their relationship.

Last time may pa-event kay Pia na present kami was during the “Ginebra Ako Awards Year 2: Pagkilala sa Tunay na Tapang at Husay ng Pili-pino” event held at the Maybank Performing Arts Theater in Bonifacio Global City.

That was the second year na namigay ng award ang Ginebra San Miguel Inc. (GSMI) sa mga deserving na mga Pinoy. Aim ng pagbibigay nila ng award is to bring together, inspiring, and motivating the Filipino people into becoming the hero they can be.

Isa sa mga pinarangalan ay ang dating artista at pamangkin ni Miss Universe Gloria Diaz na si Illac Diaz. Siya ang founder and executive direc-tor of Liter of Light for Ginebra Ako Para sa Kalikasan.

“Nakita ko 35 percent ng kinikita ng tao pumupunta sa paghanap ng energy. May mga crimes against women kasi walang ilaw. Sabi ko, gawa tayo ng isang corridor of light. Bumaba ‘yung krimen by 70 percent. Dun na nag umpisa ‘yung mga volunteer, mga grupo ng mga women cooperative na nag-umpisang gumawa ng solar lights. More than 1.5 million households have already benefited. At taon-taon, mas lumalaki ito. Bawat isa na binigyan namin ng ilaw ay napakalaking pagbabago ang nangyari sa buhay nila at sa bawat pamilya,” pahayag ni Illac.

Ang iba pang tumang­gap ng Ginebra Ako award ay sina Rey Bufi, founder of The Storytelling Project for Ginebra Ako Para sa Kabataan; Pedro Abraham, Jr., founder of Kontemporaryong  Gamelan Pilipino (Kontra-GaPi) for Ginebra Ako Para sa Entablado; Aris Villaester  Jail Warden of Tagaytay City Jail for Ginebra Ako Para sa Pagli­lingkod; and Lito Ramirez of the Philippine Volcanoes for Ginebra Ako Para sa Palakasan.

Pinangunahan naman ni former Senator Robert Jaworski, Philippine sports icon and former playing coach of Barangay Ginebra San Miguel, ang pagbibigay ng trophy sa napili.

Comments are closed.