INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Paranaque City ang South Korean fugitive na wanted sa Seoul bunsod sa kinasasangkutang multi-million telecommunications fraud sa kanilang lugar.
Ayon sa report na nakarating kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, kinilala ang suspek na si Lee Won Ho, 33-anyos na nadakip ng BI’s fugitive search unit (FSU) noong September 21 sa kanyang tinitirahan bahay sa BF Tahanan Village, sa Parañaque City.
Si Lee ay mayroon nakabinbin na Warrant of Deportation Order na inisyu ng BI Board of Commissioners apat na taon na ang nakakalipas.
Nakarating din sa kaalaman sa pamunuan ng Bureau na si Lee ay mayroon din Warrant of Arrest na inisyu ng Incheon District Court, bunsod sa mga ihinaing mga kasong Fraud laban sa kanya sa Seoul.
Batay sa impromasyon na nakalap ng pahayagang ito, si Lee ay tinaguriang high-ranking member ng Miniu Family, kilala bilang big time-telecom fraud syndicate na nago-operate dito sa Metro Manila.
Ayon kay Rendell Sy nakakulimbat ang grupo ni Lee ng tinatayang aabot sa 21 milyon US dollar mula sa kanilang Korean victims na naka base sa ibang bansa.
Si Lee ay kasalukuyang naka-detained sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, sa Taguig City, habang naka-pending ang kanyang deportation order ng BI Board of Commissioners pabalik ng Korea. FROILAN MORALLOS