WALA ng buhay nang matagpuan ang katawan ng isang Korean national sa loob ng kanyang selda sa BI Warden Facility (BIWF) sa Bicutan,Taguig City.
Kinilala ang Korean national na si Son Byeongkweon, 52-anyos na natagpuang patay noong Lunes ng umaga.
Dinala si Son sa kulungan noong Disyembre 29, 2020 matapos harangin sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa warrant of arrest na inisyu sa kanya ng Korean government dahil sa pagtatago nito sa kasong Fraud at sa Interpol records.
Nabatid na bago natagpuang patay ang biktima, ayon sa Nurse on duty sa BIWF ay sakit na ito.
Agad naman ipinagbigay-alam sa Philippine National Police (PNP) Scene of the Crime Operatives (SOCO) para sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa lugar.
Isinagawa na rin ang koordinasyon sa Korean Embassy hinggil sa pangyayari at sa preparasyon sa labi ng biktima habang isinasagawa ang imbestigasyon. PAUL ROLDAN
Comments are closed.