OZAMIS CITY – PATAY sa lunod ang mag-asawa matapos makulong at hindi makalabas ng kanilang sasakyan na nahulog sa dagat sa Barangay Baybay Triunfo.
Ayon sa Ozamis Police Office, Biyernes ng umaga nang madiskure ng mga residente ang pagkahulog ng kotse ng mag-asawa at laking gulat nang malamang nasa loob pa nito ang mga biktimang sina Ferdinand at Teresita Jalasan.
Base sa inisyal na report ng Philippine National Police- Scene of the Crime Operatives (PNP-SOCO) lumilitaw na nagtangka ang dalawang biktima na makalabas ng kanilang sasakyan.
Naghatid lamang ng kanilang mga bisita na dumalo sa kanilang pagtitipon ang mag-asawa nang maganap ang sakuna habang papabalik na ng kanilang bahay.
Hinihinalang lango sa alak ang mister kaya nawalan ito ng kontrol sa minamaneho niya habang binabagtas ang madulas at madilim na bahagi ng national highway dahil sa lakas ng ulan. VERLIN RUIZ
Comments are closed.