KRIS AQUINO BACK OUT SA PELIKULA TAKOT MAG-FLOP

kris aquino

MAY mga namba-bash ngayon kay Kris Aquino dahil sa naging review raw nito hotshotskamakailan sa pelikula nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na Hello, Love, Goodbye. Sinabi raw diumano nito na, “Kathryn Bernardo owns the movie.”

“What’s this commotion about Kris saying Kath owned the movie alone? No offense but a movie won`t  be this successful without the team-work of the main artists plus their team. Also, I loved how Kath shined in all  her scenes without Alden overlapping and vice versa. Very natural lang lahat,” ang tweet ng isang Twitter user.

“Also, if we talk about love stories, we`re all  looking  forward sa charisma nu’ng main actor and the screams inside the cinema speaks vo­lume, in short, Alden has that appeal to the general public plus his mata-mata  acting received many positive reviews from the people,” patuloy pa ng netizen.

Sagot naman ng isa, “true! It was all because of the efforts of the co-actors not just Kath alone…sorry Kris Aquino but I strongly disagree with  you.”

May nagsabi naman na nagpapapansin lang daw si Kris.

Pero kung papanoorin mo naman ang video ng review ni Kris ay wala ka naman maririnig na sinabi ni Kris na, “Kathryn owns the movie.”

Ang sinabi ni Kris ay, “Alden (Richards), I`ve been a fan, I conti­nue to be a fan. And they brought out the best in you. So, ang galing mo.

“Pero Kath, Alden`s fan don`t hate me for saying  this – Kath, this is  your movie. Congratulations.”

Pinuri rin niya ang tambalang KathDen kaya dapat lang matuwa ang mga tagahanga ng aktor.

Samantala, pinag-uusapan sa isang umpukan ng mga taga-showbiz ang pag-ayaw bigla ni Kris na ituloy ang K(Ampon) na si Gabby Concepcion na ipinalit kay Derek Ramsay para maging leading man niya sa nasabing movie.

Sinasabi kasi niya parati na gustong-gusto niya ang script ng nasabing movie pero nang hindi ito nakapasok na entry sa darating na Metro Manila Film Festival at ipalabas na lang before or after the festival ay umat­ras na siya.

May  nagsabi tuloy na baka raw natatakot si Kris na mag-flop ang pelikula kung hindi ito mapapasamang entry sa MMFF 2019.

Well, baka nanini­guro lang si Kris or mayroong iba pang mabigat na dahilan kaya nag-back out siya sa pelikula.

HEAVEN PERALEJO UNA RAW NAG-LET GO SA RELASYON NILA NI JIMUEL

SA interview kay Heaven Peralejo ay kinumusta siya pagkatapos ng break-up nila ng HEAVEN PERALEJOanak ni Manny Pacquio at Jinkee Pacquio na si Jimuel Pacquio.

“Break-up? Eto, okay naman, I`m focusing on myself, I`m loving myself.”

Nilinaw rin ni Hea­ven na hindi raw totoo ang mga naglalabasang dahilan ng kanilang break-up ay diumano paggamit niya ng credit card ni Jimuel para sa grocery expenses ng kanyang pamilya.

“Hindi naman po totoo. Gusto ko lang pong i-clarify ‘yung sa grocery, as in never happened ‘yun, hindi ko alam, never  din kaming  nag-grocery together so I don’t know how it happened,” pagli­linaw ni Heaven.

May issue rin na tutol daw diumano ang magulang ni Jimuel sa kanilang relasyon. Pero ayon sa dalaga ay okey naman daw sila ng pamilya ng ex-boyfriend.

Nang tanungin kung ano ba talaga ang na­ging dahilan ng kanilang breakup? Si Jimuel na lang daw ang tanungin.

“Siya na lang. Sabihin na lang natin na ako ‘yung nag-let go,” aniya.

Comments are closed.