HINDI makikipag-reconcile si Kris Aquino sa ex-fiancé na si Mel Sarmiento, pero at peace na siya dahil iniwan siya nito when she was at her lowest. Sinagot na raw ang kanyang panalangin dahil nakita niyang wala itong respeto sa kanya at sa kanyang mga anak.
Ayon sa Queen of All Media, nawalan siya ng respeto kay Mel hindi lang dahil sa pang-iiwan umano nito sa kanya sa ere kundi sa pang-iisnab nito sa kanyang panganay na kapatid na si Ballsy Aquino-Cruz. Binalewala raw ni Mel pati ang nararamdaman ng kanyang anak na si Bimby na napalapit dito. Naalala rin umano niyang nag-imbento pa ng mga kwento si Sarmiento tungkol sa pagiging malapit nito sa kanyang kapatid na si former President Benigno S. Aquino III.
“Yun ang final straw for me, the fact na kinaya [niyang mag-imbento] ng napakaraming kwento bilang ‘patunay’ na close talaga sila ni Noy,” ani Kris. “I feel, ‘yung ginawang panggamit sa nananahimik na patay… What led to the closeness was my brother Noy, and because of what I had perceived to be their closeness. So paano mo babalikan ang taong hindi mo na pinagkakatiwalaan at alam mong hindi ka minahal at ginamit ka lamang?” dagdag pa ni Kris. – KAYE NEBRE MARTIN