HUMANGA si Kris Aquino kay Senator Francis Pangilinan pagkatapos basahin ang book ng mister ni Megastar Sharon Cuneta tungkol sa pagtatanim, ang “Tagsibol.”
Pagmamalaki pa ni Kris, natapos niyang basahin ang libro ni Sen. Kiko in “one sitting.” Dito mas nakilala ni Kris ng personal ang mister ni Mega. At dahil d’yan, may dugtong pa siya na mensahe sa kanyang IG post para kay Mega.
Lantarang nagpahanap si Kris kay Sharon ng gaya ng ‘sweetheart’ niya na puwedeng ipakilala sa kanya. Pero may kondisyon si Kris.
Say ng Queen of All Media, “Pero instead of a lawyer, mas winner kung doctor? #lovelovelove”
Bagay nga kay Kris ang boyfriend na doctor dahil masakitin ang mommy nina Bimby at Joshua.
As expected, umani ng negatibong comment ang IG post na ‘to ni Kris. May nag-akusa na ginagamit lang ni Kris si Sen. Kiko sa politika and vice versa.
Pero pinatulan ni Kris ang comment na ‘to ng netizen at eto ang say niya, “krisaquino@rongienor he doesn’t need to run. @kiko.pangilinan’s term is until 2022. Bago mag-criticize, please alamin muna ang FACTS. ”
At ‘wag kalimutan na ang misis ni Sen. Kiko ay si Megastar Sharon Cuneta. Kaya bakit kailangan pa siyang gamitin ni Sen. Kiko for his political agenda?
But through her post, malinaw na wala talagang karelasyon si Kris ngayon, not even Kyusi Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista na idineklara na niya as a ‘True Friend.’
SINGER MARICAR GUSTONG MAKILALA SA SARILING BANSA
GAYA ng idolo niyang si Sarah Geronimo, nagbri-breakdown din ang singer na si Maricar in the middle of her performance. Kaya naintindihan niya si Sarah nu’ng mabalita na nag-breakdown ang Popstar habang nagko-concert sa Amerika.
“Noong napanood ko nga siya, si Sarah, sabi ko, ‘Parang ako ‘to, a.’ Naalala ko sa stage sa Japan. Nakatutuwa. Pero natural lang ‘yun. Pero si Sarah kasi sikat siya kaya talagang pag-uusapan ‘yung nangyari sa kanya,” pahayag ni Maricar.
Regular performer si Maricar sa Japan. Empleyado talaga siya sa kompanyang Kentos group sa Japan. Dalawa ang tinutugtugan niyang club/bar na pag-aari ng company ng Sacho niya.
Winner si Maricar as second placer sa Japan Karaoke Grand Prix na isang prestigious contest doon at pinalabas sa TBS network. Lumabas din siya sa NHK Television at nagkaroon ng soldout concert sa JZBrat in Shibuya.
Pero bumabalik-balik din siya ng Pinas for vacation. Sa pag-uwi niya ng Pinas, nakagawa ng album si Maricar and that was the time na nakilala niya si Vehnee Saturno. Kaya naman tinawag si Maricar bilang “Crossover Songstress” na ngayon ay naglabas muli ng bagong album na puno ng kantang may “makabagong tunog.”
Umaasa si Maricar na ang second album niya ay tatangkilikin ng kanyang mga kababayan at bibigyan siya ng chance na makilala ang kanyang talent sa sarili niyang bansa.
Comments are closed.