SIMPLENG simple, konti lang ang bisita, at tahimik lang ang nalalapit na kasalan sa pagitan nina Kris Aquino ay dating Department of Interior and Local Government Secretary (DILG) Mel Sarmiento, ito ang kwento ng dating presidential daughter.
Gayunman, magiging memorable daw ito para sa mga ikakasal at sa mga dadalo dito. Ayaw raw sana niyang maging spoiler, pero pandemic ngayon at bawal ang magarbong kasalan kaya makikiuso na rin sila.
Ayon sa Queen of Talk, sobrang simple lamang ang plano nilang kasalan. Walang entourage, walang wedding planner, at ibang iba sa inaasahan ng lahat.
Na-inspire umano si Kris sa dinaluhan nila ni Mel na kasalang humantong sa kanilang first date sa fastfood. Masaya raw pala ang buhay ng isang normal na tao na walang pinagtataguang media. Of course, na-enjoy raw naman niya ang kanyang naging kasikatan, ngunit gusto na rin niyang mabuhay ng ordinaryo, sa piling ng kanyang magiging asawa. – KAYE NEBRE MARTIN