Naging napakaikli ng matamis na pagtitinginan nina dating Interior Secretary Mel Sarmiento at Queen of All Media Kris Aquino na isinapubliko ang kanilang relasyon noong Agosto, nag-anunsyo ng engagement noong October, at break-up naman ngayong January.
Ayon sa actress-host, hiwalay na sila ni Mel. Siyan a mismo umano ang nagsabi nito para hindi na sila pagtsismisan pa.
Nagsimulang maghinala ang mga netizens na nagkakalabuan na ang magkasintahan nang alisin ni Kris sa kanyang Instagram noong Lunes (January 3) ang mga post tungkol kay Mel. Nagbigay din siya ng statement na “deteriorating” health due to her autoimmune disease, and the resulting need to fly to the US to seek medical treatment.
“My health has continued to deteriorate, and I will soon fly abroad for further diagnostic tests and if needed, do all the treatments and procedures to help address my drastic weight loss (I know weight 88 lbs/ 40 kilos) and if still possible, strengthen my immunity,” aniya.
Mula umano noong last quarter ng 2018 ay alam na niyang ang kanyang autoimmune conditions ay pwedeng gamutin pero hindi na gagaling. Tinanggap na raw niya ang katotohanan at ang mga kumplikasyong kaakibat nito.
Ang sakit umano ni Kris ang major factor sa kanilang break-up.
“Sa pinagdadaanan ko ngayon, may tao bang gustong pag-usapan pa ang kanyang paghihiwalay? But in order for me to be able to peacefully move on, and focus on myself and my health, because my sons still need me — Kuya Josh has autism, and Bimb will only turn 18 in three years, three months, and 16 days — I must end this chapter,” ani Kris. “I will just post screenshots of Mel’s last text message to me. After that, you will never read nor hear anything at all about him from me, because I still want to preserve whatever dignity I have left. By doing this I only request for some respect for my humanity and privacy now and in the coming months when I fight for my health, because I was brave enough to show you and tell you the truth,” dagdag pa niya.
Sa final message ni Mel kay Kris, gusto raw sana niyang Samahan ang dating fiancée pero hindi na sa huli dahil immune-compromised si Kris at siya naman ay laging nakakasalamuha ng tao. Natatakot umano siyang lalong lumala ang sakit ni Krissy.
“I decided not to proceed there because I might further put you at risk and I don’t want to be blamed for it,” ani Mel.
Batay sa pahayag ni Sarmiento, napag-usapan na nil ani Krissy ang mga kumplikasyon ng kanyang kundisyon at ang epekto nito sa kanilang relasyon. Lumalabas na si Kris mismo ang may gustong tapusin na ang kanilang relasyon.
“For the past two days, I had enough time to think about things and accepted the fact that ensuring you don’t get COVID is an enormous responsibility,” ayon pa sa message ni Mel. “Given my nature, who loves to go out, I accept the fact that I already have a bubble fatigue and I will not be able to, sad to say, be able to continue living in a bubble. On that note, with a heavy heart, I accepted your offer of letting me go. For I cannot in conscience be able to accept that something will happen to you brought about [by] my going out of the bubble. I will always cherish in my heart the happy moments we had together. I do love you, but I guess this is goodbye for your life is of greatest importance given that you have Bimby and Josh to take care of. You will forever be in my heart.”
Ang sweet ng message ni Mel kay Kris, pero napakasakit. – KAYE NEBRE MARTIN