KRIS AQUINO SA SENADO

KRIS-AQUINO-2

HINDI itinanggi ni Senador Bam Aquino ang posibleng pagtakbo ng aktres na si Kris Aquino bilang senador sa 2019 mid-term elections.

Sinabi ni Aquino na  welcome ang sinumang gustong sumabak sa halalan lalo’t  malaki ang tsansa na manalo.

Maugong na ang umano’y planong pagtakbo bilang senador ni Kris sa 2019 elections

“Anyone who is willing to stand up and speak out, have that voice is welcome. Anyone who is winnable and kaya manindigan is more then welcome.

At this point na winnable ka (Kris) at kaya mo manindigan, you’re more than welcome in the opposition slate. Kaila­ngan namin yan,” banggit pa niya.

Gayunman, sinabi ni Aquino na pag-uusapan pa sa kanilang pamilya kung gusto nga ng kanyang ate Kris na tumakbo sa darating  halalan.

” That’s a family decision obviously. Si Kris, if she decides to run, I think she’d win. Honestly ha kung itutuloy niya ‘tong paninindigan laban sa ginagawa ng admi­nistrasyon, I think she’d be very welcome in the Senate,” pahayag ni Aquino.

Kung matutuloy si Kris Aquino na tumakbo sa senatorial elections, dalawang Aquino ang kakandidato sa ilalim ng opposition party. VICKY CERVALES

Comments are closed.