DAMANG-dama ang hirap na pinagdaaranan ni Kris Bernal sa bago niyang teleseryeng “Asawa Ko, Karibal Ko”. Magaling ang pagka-arte ni Kris sa naturang serye kung saan ang kanyang role ay isang misis na kulang na kulang sa atensiyon at pagmamahal ng mister na may tinatagong lihim sa pagkatao. Marami tuloy ang nagsasabing tila punong-puno ng hugot sa buhay itong si Kris at natural na natural niyang gampanan ang role ng isang babaeng niloloko at pinaglilihiman ng minamahal.
Aminado si Kris na mahirap talaga ang kanyang role at dumating pa nga sa puntong halos mamaos na siya kasisigaw at kakaakting dala ng sama ng loob. Pagdating naman sa emosyon, ay sinabi ng actress na humuhugot na lang siya sa pinagdaanan niya sa buhay, ang experience na niloko ng minamahal.
Kung sino-sino man ito ay hindi na tinukoy pa ni Kris. Natutuwa naman si Kris sa lahat ng papuring tinatanggap niya mula sa netizens sa maganda niyang pagganap bilang misis na niloko ng mister na bading.
Ayon kay Kris, natutuwa siyang malaman na may mga nagkokomento sa kanya na pinagdaanan na pala ang buhay na ginagampanan niyang role at nakaka-relate daw sila sa actress tuwing umaakting ito. Kasama rin sa “Asawa Ko, Karibal Ko” sina Rayver Cruz, sa kanyang unang teleserye bilang Kapuso, Thea Tolentino at Jason Abalos in a very special participation.
VIC SOTTO TULALEY SA KURBADA NG MISIS NA SI PAULEEN LUNA-SOTTO
MARAMING napatulala sa ganda ng kurbada ng katawan ngayon ni Pauleen Luna-Sotto, kung saan ay nakita ito mula sa larawan na pinost niya sa kanyang social media account.
Sa naturang larawan na kuha kamakailan lamang nang magbakasyon silang magpamilya—si Vic Sotto, Pauleen at anak na si Baby Tali sa Amanpulo, Palawan ay nakasuot si Pauleen ng black na two-piece bikini at kitang-kita ang alindog ni Pauleen na parang isang dalaga at hindi pa nanganak.
At nang matanong naman si bossing Vic hinggil sa kaseksihan ng kanyang misis ay paghanga ang naging tugon ni Vic. Say ng magaling na actor/komedyante ay proud na proud siya sa sexy body ng asawa. Super diet daw ang kanyang misis na nakilala niyang malakas kumain. At nang magbalak daw itong magbawas ng timbang ay kinarir daw ito ng kanyang misis kung kaya super proud husband si Bossing sa misis sa pinakita nitong dedikasyon at disiplina para makuha ang minimithing figure.
Comments are closed.