KRIS BERNAL PALAG SA MGA EKSENANG MALASWA

kris bernal

PINATANGGAL ng Kapuso star na si Kris Bernal ang ilang eksena na gagawin n’ya dapat sa love scene reflectionnila ni Jake Cuenca sa pelikula nila na pinamagatang “Kontradiksyon.”

Sabi ni Kris in our exclusive interview with her sa last shooting day ng “Kontradiksyon,” nakalagay sa script na meron siyang pumping, moaning and breast exposure sa love scene nila ni Jake.

“Kinakabahan ako at sinabi ko talaga na hindi ko ‘yun gagawin. I even asked my manager na parang three restrictions. Parang I gave three restrictions for them.

Sabi ko ano, ayoko nang may magpa-pump and parang magpapakita ng chest. Sabi ko, no,” pag-amin ni Kris.

Nakipag-meeting daw ang manager niya sa kanilang direktor na si Niel de Mesa prior to the shoot ng love scene nila ni Jake. Ipinaalam ng manager ni Kris kay Direk Niel na ayaw niyang gawin ang moaning, pumping and breast exposure sa love scene.

“May skin naman na papakita but not ‘yung topless. ‘Tsaka ayoko talaga nu’ng nagmo-moan ako on screen. ‘Tsaka may pumping pa, paano ‘yun? I mean, kaya ko siyang iarte but then it’s against my values, e. It’s against what I believe, e,” esplika niya.

Nag-adjust naman daw ang director nila sa mga pinatanggal n’ya sa script na dapat ay gagawin nya. Naunawaan naman daw siya ni Direk Niel. Mala­king bagay na naging magkaibigan na sila at nakapag-build ng magandang relasyon.

“Sinabi ko ‘yun kay Jake. Sabi ko sa kanya, ‘Jake, sorry, ha. Doon sa love scene natin, puwede ba you do all the works. Parang susunod lang ako sa ‘yo kasi mas hasa ka d’yan, e. Mas alam mo ‘yan, e.’ Kasi mas nagpo-portray siya ng sexy roles more than I do. Mas ganoon ang image n’ya, e. Gina-guide naman niya ako.”

Deadma at wala na raw siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Ready na rin daw siyang laitin ng mga basher just in case.

“Oo, wala talaga ako’ng pakialam kahit sabihin nilang maarte ako. Kaya nu’ng sinabi sa akin ni Direk Niel ‘yun, sabi ko, ‘Direk, sorry, ha. Hindi ko siya gagawin kung ipapagawa n’yo sa akin ‘yung nasa script.’ I mean, maghanap na lang kayo ng ibang leading lady if kailangan n’yo ng babaeng nagmo-moan at nagpa-pump, at nagpapakita ng boobs. Huwag na lang,” diin pa ni Kris.

Ang “Kontradiksyon” ay advocacy film nang nagbabalik na Belstar Films ng yumaong si Bella Tan ng Universal Records

 

TNT BOYS PASABOG AGAD, MAY CONCERT SA ARANETA  

tnt boysVERY excited na sina Keiffer Sanchez, Francis Concepcion at Mackie Empuerto o mas kilala bilang TNT Boys sa nalalapit nilang first major concert titled “Listen: The Big Shot Concert” at the Araneta Coliseum on November 30.

Tiniyak ni Mackie na hindi masasayang ang pera ng mga bumili ng ticket.

“Ibibigay po namin ang aming best at ipapakita ang aming talent. Hindi lang po Listen ‘yung kaya na­ming kantahin. Marami pa po kaming kanta na kayang gawin. May sorpresa rin po kami para sa lahat,” lahad ni Mackie.

Isa sa mga sorpresa ng TNT Boys ay ang paglabas ng kanilang Christmas album, ang “TNT Boys Christmastime” under TNT Records. May sari­ling bersyon ang TNT Boys ng most-loved classic Christmas songs gaya ng Silent Night. Tamang-tama for the holiday season ‘di ba?

Siyempre, todo handa na rin ang TNT Boys para sa nalalapit nilang concert. Balita naming almost sol-dout na ang tiket for their concert, huh. Although, ayaw i-reveal ng TNT Boys ang detalye ng kanilang gagawing performances sa concert. Asahan na natin ang bonggang vocal showdown ng tatlong biriteros.

Special guests ng TNT Boys sa kanilang concert sina Jed Madela, Vice and K Brosas will grace the show. Joining them also are Sheena Belarmino, Krystal Brimmer, Noel Comia Jr., Chunsa Jung, Marco Masa, Onyok Pineda, Esang de Torres and Xia Vigor.

Ang “Listen: The Little Big Shot” concert ay idi­direk ni Bobet Vidanes

Comments are closed.