(Kulang ang load ng RFID card sa tollways) PARUSA SA MOTORISTA PINASISILIP SA SENADO

Ariel Inton

PINABUBUSISI na sa Senado ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang usapin ng penalty sa mga motoristang papasok ng tollways na may insuficient balance sa kanilang mga RFID.

Sa personal na ipinadalang liham ni Inton kay Senador Grace Poe, chairman ng Senate Committee on Public Services, hiniling ng grupo nito na imbestigahan ang 3-strike policy sa insufficient balance sa RFID na nakatakdang ipatupad ng Toll Regulatory Board (TRB) sa May 15, 2021.

Pinasisiyasat din ng LCSP kung may malinaw na batayan ang P1,000 penalty bukod pa sa confiscation ng driver’s license at ticket na ipapataw ng Land Transportation Office-Traffic Enforcer sa mga violator.

Ayon kay Inton, personal silang sumulat sa senadora upang pakinggan ang kanilang hinaing at humihingi ng tulong upang tulungan ang mga commuter at transport groups para huwag munang ipatupad ang naturang ‘di patas na policy hanggang ang bansa ay nasa matinding pandemya pa.

Ani Inton, ang LCSP kasama ang iba pang affiliated transport at commuter groups ay tuwirang hindi sang-ayon sa nasabing policy ng TRB.

Sinabi nito na ang TRB policy ay makapaghihintay habang tayong lahat ay patuloy na nakikipaglaban para maka-survive sa pandemic.

Bukod pa aniya, ang maraming reklamo ng mga motorista sa unstable system ng RFID na hanggang ngayon ay hindi pa rin natutugunan.

Umaasa naman ang LCSP at motorists na agad magsasagawa ng imbestigasyon ang komite ni Senator Poe upang mabigyan agad ng sagot ang hinaing ng mga motorista, commuters at transport groups.         BENEDICT  ABAYGAR, JR.

8 thoughts on “(Kulang ang load ng RFID card sa tollways) PARUSA SA MOTORISTA PINASISILIP SA SENADO”

Comments are closed.