BULCAN – ISANG construction worker ang nadakip at nahaharap ngayon sa kasong rape makaraang lasingin nito ang kanyang kumare matapos niyang yayaing uminom saka reypin nang makatulog dahil sa sobrang kalasingan sa Barangay Gaya-Gaya,San Jose del Monte City.
Base sa report na isinumite kay P/Col.Emma M.Libunao,Acting Provincial Director ng Bulacan PNP,nakilala ang naarestong suspek na si Cecilio Duran, 36-anyos, may-asawa ng Barangay Gaya-Gaya ng nasabing siyudad na nakadetine ngayon matapos ireklamo ng kanyang kumareng biktima na itinago sa pangalang Digna, 27-anyos, may-asawa at nakatira rin sa lugar.
Nabatid na naganap ang insidente kamakalawa ng gabi nang ayain ng suspek ang biktima na kanyang kumare na uminom at dahil kakilala naman ang suspek ay pumayag ang biktima ngunit biniilisan ng manyakis na suspek na bilisan ang inom para masabay ang biktima sa tagay na nalasing hanggang mawalan ito ng malay at dito na isinakatuparan ng suspek ang kanyang maitim na plano.
Habang walang malay ay dito na hinubaran ng suspek ng kanyang damit at pang ibabang saplot ang biktima saka niya ito ginahasa at nang bumalik ang ulirat ng biktima ay dit na siya nagtungo sa himpilan ng pulisya upang ireklamo ang suspek na hindi na nakapalag ng arestuhin ng nagrespondeng awtoridad. MARIVIC RAGUDOS