KUMIKITANG KABUHAYAN SA ARAW NG MGA PATAY

SA KABILA ng mga nakahimlay na mga namatay natin sa buhay sa mga sementeryo, isang kabuhayan ang pakinabang ng mga taong naninirahan at nag-aalaga ng mga puntod.

Ganito ang buhay ng magkakaibigang nakilala natin sa pangalang Potpot, Junjun at Marvin.

Ayon sa tatlo, sa sementeryo na sila ipina­nganak at lumaki.

At isa sa kanilang kabuhayan tuwing sasapit ang araw ng mga patay ay ang maglinis ng mga nitso at magpintura.

Bukod sa pango­ngolekta ng mga tulo ng kandila.

Sa halagang 500 piso kada nitsong kanilang napipinturahan ay malaking tulong na para sa kanilang pang araw-araw na buhay.

Masaya na malungkot ang pagtira sa sementeryo dahil sa gabi tahimik pero may kasiyahan din naman dahil sa maaari silang makapag-inuman, magdiwang ng mga kaarawan at iba pang okasyon.

Aminado ang tatlo na mayroon silang mga pangarap sa buhay at nais nilang makapagtapos ng pag-aaral.

Nais nilang makatapos ng criminology at pulis upang makatulong sa kanilang mga pamilya.

Sa ngayon ay nakakasabay naman sila online class dahil mayroon silang gadgets na gamit din.

CRISPIN RIZAL

4 thoughts on “KUMIKITANG KABUHAYAN SA ARAW NG MGA PATAY”

  1. 331858 996936I dont believe Ive scan anything like this before. So great to discover somebody with some original thoughts on this subject. thank for starting this up. This web site is something that is necessary on the internet, someone with a bit originality. Excellent job for bringing something new to the internet! 19276

Comments are closed.