SI EVA ay isa sa libo-libong freelance writers na nagtatrabaho dito sa Pilipinas. Isa siyang ina na may dalawang maliit na mga anak, kaya hindi niya magawang magtrabaho sa opisina dahil walang maiiwan sa mga bata. Kaya naisip niyang pasukin ang freelance writing dahil puwede siyang magtrabaho mula sa bahay.
Kaya lamang, dahil bago lang siya sa larangang ito, marami pa siyang kailangang matutunan. Limitado naman ang mga workshops at courses online at wala rin siyang kilalang mentor na puwedeng hingan ng payo at impormasyon.
Para sa mga baguhan o nagsisimula pa lamang sa trabahong ito na kagaya ni Eva na gustong matuto ngunit walang malaking badyet para sa pag-aaral, maraming videos o tutorials ang pwedeng panoorin online. Marami ring mga blogs at websites na nagbibigay ng libreng impormasyon at kaalaman.
May mga available na libro at e-books din na pwedeng mabili. Isa na rito ang bagong labas na “25 Questions About Freelance Writing” ni Aimee Morales. Naglalaman ito ng mga kasagutan sa mga tanong na pinakamadalas itanong sa kanya ng kanyang mga nakikilala.
Kumplikado at puno ng hamon ang industriya ng freelancing sa Pilipinas. Hindi madali ang pagtahak sa landas na ito. Mainam kung magkakaroon ng gabay ang isang baguhang manunulat. Bilang isang freelance writer na nasa industriya na ng ilang dekada, malalim ang karanasan ni Aimee sa pagsusulat kaya naman mahalaga at may batayan ang kanyang mga ibinabahagi sa aklat na ito.
Maaaring mabili ang e-book sa pamamagitan ng pag-email sa [email protected]