KUYA NG PBB KINUKUHANG NINONG NINA ELLISE JOSON, MCCOY DE LEON SA KANILANG BABY GIRL

Umamin sina Elise Joson at McCoy de Leon ng live sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 na matagal na silang nagsasama at sa totoo lang ay may isa na silang anak. Hiniling pa nga nilang kung pwede sana ay maging ninong sila ng baby nilang si Felisse McKenzie, kahit alam nilang imposible nilang makita si Kuya.

Sabi ni Elisse, “Actually, Kuya, may gusto kaming itanong sa inyo.” Si McCoy ang nagpatuloy. “Kuya, puwede po ba namin kayong gawing ninong sa anak namin.” Sabi pa ni Elisse, “Kuya, kami po ni McCoy, me­ron po kaming isang napakaganda, napakabait na baby girl.”

Dati nang housemates ng PBB ang dalawa at alam nilang hindi talaga nagpapakita si Kuya, pero gusto pa rin daw nila itong kuning ninong dahil sa PBB sila nagsimula at malaki ang kinalaman ng PBB sa kanilang love story.

“Alam namin na imposible naming makita ka, pero gusto namin tinga­lain ka na bilang isang ninong, isang godparent na punung-puno ng wisdom,

Ani Elisse “Kaya, naisip po namin na lumapit po sa inyo. Sabi niyo nga po nakatakda. Itinakda po kami dito.”

Pinasalamatan din ni Elisse si Kuya dahil pinayagan silang ianunsyo sa lahat ang pagkakaroon nila ng anak sa programa.

“Nagpapasalamat kami na makabalik ulit dito and i-share po sa inyo ang magandang bali­ta po namin.

“Naisip po namin na dito po kami nagsimula sa bahay po ninyo, and malaki po ang utang na loob po namin.”

Hindi sinabi ng dalawa kung paano nabuntis si Elisse at kung kelan siya nanganak. Ang malinaw lang, nagsimula silang magkagustuhan sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016. Nag-break sila noong 2019, pero noong August 2020, nabalitaang nagkasundo na sila. Noong June 2021, ibinalita ng dalawang nagkabalikan na sila, at kamakailan nga, kinumpirma nilang meron na silang anak.

Mygz Molino hindi maka-move kay Mahal

Hindi pa pala nakaka-move on si Mygz Molino sa pagkamatay ng YT partner niyang si Mahal. Iyak pa rin ito ng iyak kapag napapag-usapan ang pumanaw na midget.

Ayon kay Mygz, nami-miss pa rin niya ang komedyante dahil napakabait nito sa kanya.

“Nami-miss ko yung mga tawa niya,” ani Mygz.

Madalas daw nagpaparamdam sa kanya si Mahal na idinadaan sa paru-paro at sa mga panaginip. Nakakakita raw siya ng mga paru-paro sa bahay, sa kuwarto, sa mesa at kung saan-saan pa, kaya madalas daw siyang wala sa bahay. Sa likod-bahay daw siya madalas tumambay dahil naalala niya palagi si Mahal.

Marami namang nagpapatunay na naging mabuti ang pakikitungo ni Mygz kay Mahal. In fact, pag magkasama raw ang dalawa ay madalas na kinakarga niya ang midget para hindi na ito mahirapang maglakad.

Na­nga­ko naman si Mygz na ipagpatuloy pa rin niya ang mga vlog na ginagawa nila dati ni Mahal at pagpapahatid ng tulong, kagaya ng ginawa nila kay Mura. Lahad ni Mygz, “May mga usapan naman kami about sa mga content. Yung tulong namin na gagawin na naumpisahan nga namin kay Mura. May mga nagsasabing ituloy ko rin dahil nasimulan na nga namin ni Mahal.

Nagpapasalamat din si Mygz sa pamilya ni Mahal na mabait daw sa kanya. “Kung hindi po dahil sa suporta ng pamilya ni Mahal, hindi kami maggu-grow.” – KAYE NEBRE MARTIN