BONGGA ka Day talaga ang peg ni Gretchen Barretto. Ikaw ba naman ang magkaroon ng pearl necklace na nagkakahalaga ng walong milyong piso. Talbog si Annabelle Rama.
Isang reliable source ang nagbulgar nito kaya hindi masasabing tsismis. Malapit na malapit siya kay Gretchen, pero huwag na raw siyang pangalanan.
Investment daw para kay La Greta. At presyo raw ng pearl necklace na kapresyo ng condo, mas okay na raw ang necklace dahil hindi naman maisusuot ang condominium. “E, di nadaganan ako,'” biro pa raw ni La Greta.
Naintriga tuloy kami kaya nag-research kami sa kontrobersyal na kwintas. Depende pala sa laki o haba ang presyo ng alahas na ito. Yung pearl mismo ay kina-classify sa size (13 to 16mm ang diameter), skin purity (flawless, medium spotted, ad spotted), at luster (fire, excellent, and dull). Nag-search kami sa internet para mapatunayan kung totoo ang presyong nabanggit. Dyosme, P1M nga hindi pa ako nakahawak, P8M pa kaya? Nakakalula para lamang sa isang pearl necklace.
Napag-alaman naming ang A 12-mm pair ng white pearl earrings ay nagkakahalaga ng $1,350 o PHP66,960. Ang pendant naman ay umaabot sa $4,600 o PHP228,160. Yung kwintas na 13 to 16-mm white necklace ay may presyong $64, 000 o PHP3,174,400. Ang mahal! At dahil laging dalawang strands ang sinusuot ni Gretchen, doble ang presyo, syempre. Yung ordinary necklace, abot ng P6,348,320 na agad. E hindi ordinary yung kay La Greta – mas mahaba, kaya umabiot ng P8 million. Kalula talaga.
Big fan ng pearls si Gretchen, at may koleksyon talaga siya ng perlas. Ang pinakamahal na kulay ng perlas ay yung champagne.
Unang nakagiliwan ni La Greta ang perlas noong baby pa si Dominique Cojuangco. About ten months old pa lang daw noon si Dominique. Niregaluhan daw siya ni Tony Boy Cojuangco ng dalawang sets ng necklaces & earrings na perlas,
Kasama sa collection ni La Greta ang kwintas, hikaw, bracelets, at pendants na iba-iba ang shape. Merong drop, oval, button, baroque, semi-baroque o circled, at bi-log, siyang pinakakakaiba. Meron din siyang puti,, silver, creme rose, champagne, deep gold, at multi-colored strands. — KAYE NEBRE MARTIN
514900 867749This internet site is my inhalation, really wonderful layout and Perfect written content material. 338005
560439 856599Nice post. I learn something much more challenging on different blogs everyday. It will always be stimulating to read content material from other writers and practice just a little something from their store. Id prefer to use some with the content material on my blog whether you dont mind. Natually Ill give you a link on your internet weblog. Thanks for sharing. 46404