HINDI nakatiis si Kylie Padilla na mag-post sa kanyang Instagram tungkol umano sa taong may saradong utak (closed mentality).
Aniya, nagsisisi siyang pinapasok niya ang taong ito sa kanyang buhay.
Mensahe ni Kylie: “Your lack of empathy reflects on you not me. I just have to remember, My Worth is not based on your closed mentality. I let it go, I set myself free. I don’t believe in regrets, but I regret having you as a memory.”
Wala siyang iniwang clue kung sino ang pinatatamaan niya ng IG post ngunit halatang malungkot ang paglalahad niya. –KNMartin