KAKAIBA ang ginawa ng beauty queen turned actress na si Kylie Verzosa sa first ever movie na masasabing ginawa niya ang “Abay Babes” kung saan ay isang madre ang kanyang naging role na bumagay naman sa kanya dahilan na rin sa maamo niyang mukha. Pero nagulat ang mga netizens nang mag-post si Kylie ng super sexy sa kanyang social media account kung saan ay naka-two piece yellow bikini ang beauty queen habang nasa harap ng isang malaking salamin. Kitang-kita ang buong alindog ni Kylie at marami sa mga netizen karamihan ay kalalakihan ang napa-wow at napahanga sa kanyang napakagandang katawan.
Pero hindi lahat ay pinuri si Kylie, may mga nagsasabi rin na hindi raw dapat niyang pinost ang ganun sexy video dahilan sa isang siyang Miss International at may nagsasabi pang katawan at mukhang bakla diumano itong si Kylie.
Sa mga komentong ito ay dedma na lang ang Miss International beauty pero may isang komento naman na nagpasalamat si Kylie, heto ay nagmula sa namamahala ng Miss International na sinabihan di-umano si Kylie na ang katawan at mukha na iyon ang dahilan kung bakit siya naging isang Miss International. Maging ang non-showbiz boypren ni Kylie ay proud sa kanyang ginawa.
Say ng dalaga, very supportive daw ang kanyang boypren sa lahat ng kanyang ginagawa pagdating sa kanyang karir mapa-beauty queen o showbiz career.
ROCCO NACINO NAPRAKTIS ANG PAGIGING NURSE SA NAOSPITAL NA GF
SA totoong buhay ay isang registered nurse ang actor na si Rocco Nacino kung kaya sakali man na mag-lie low siya sa showbiz ay puwedeng-puwede si Rocco na mag-work bilang isang nurse. At ang propesyon na yan ni Rocco ay ginamit niya sa kanyang athlete girlfriend na si Melissa Gohing, na naospital kamakailan lang dahilan sa overfatigue sa paglalaro ng volleyball nang maging isa sa kinatawan ng Filipinas para sa naturang sports sa Thailand, ang AVC Asian Cup.
Pagbalik diumano ni Melissa ay agad itong pina-ospital dahilan sa panghihina. At nang malaman ito ni Rocco ay agad-agad siyang pumunta sa ospital na kinaroroonan ng gf at hindi niya ito iniwan. Nag-mistula na nga raw private nurse ni Melissa si Rocco. Ang boypren na kasi ang nag-aalaga kay Melissa.
Back to normal na ang girlfriend ni Rocco at sabak na muli ang actor sa bago niyang teleseryeng ginagawa sa Kapuso Network, ang “Pamilya Roces” kung saan ay makakasama niya sina Carla Abellana, Roi Vinzon, Gloria Diaz, Elizabeth Oropesa, Jasmine Curtis-Smith, Sophie Albert (ang pumalit kay Winwyn Marquez), Gabbi Garcia at marami pang iba.