NAIKUWENTO ni Kyline Alcantara sa ilang press ang pagkikita nila ni Ms. Cherie Gil at ito ay nangyari nang interbyuhin niya ang actress para sa Inside Starstruck, ang online show ng naturang reality artista search.
Hindi raw siya kaagad nakapagsalita nang makaharap si Ms. Cherie kaya sinabihan siya nito ng, “can you talk?’ Saka pa lang siya nakapagsalita at humingi ng sorry dahil na-starstruck siya kaya hindi agad nakapagsalita.
Matagal nang pangarap ni Kylie na makita at makaharap si Ms. Cherie kaya hindi na niya pinalampas ang pagkakataon na masampal siya ng actress na isa sa kanyang bucketlist na pinagbigyan naman ng actress.
Matapos masampal ay tuwang-tuwa si Kyline dahil natupad na rin ang gusto niyang masampal ni Ms. Cherie.
Isa sa pa wish ni Kyline na natupad ay makalabas din siya ng live sa Starstruck para makasama si Ms. Cherie at ang mga council na sina Heart Evangelista, Jose Manalo at ang host na sina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado.
Samantala, nag-pilot ang Starstruck last Saturday at ipinakilala ang Top 22. Sa susunod na ipakilala muli ang Starstruck hopeful 14 na lang sila na tatawaging Final 14 na kung saan manggagaling ang male and female winner.
ANNE CURTIS NAGING TAGAHAWAK NG MIKROPONO SA BB PILIPINAS
PINAG-UUSAPAN pa rin hanggang ngayon ang nangyari kay Anne Curtis sa katatapos na Bb Pilipinas coronation night kung saan ay sila ni Richard Gutierrez ang nagsilbing host.
Hindi kasi inaasahan ng lahat na magiging tagahawak na lang ng mikropono si Anne sa Question and Answer portion ni Miss Sorsogon Isabela Galeria.
Hindi nga ito pinalampas ng kanyang mga kasamahang host sa It`s Showtime, lalo na ni Vice Ganda na taga-hawak lang ng mikropono ang sosyal na sosyal at super ganda na si Anne ng contestant na taga-Sorsogon.
“So today I woke up as a meme. I honestly had no bad intentions towards @annecurtissmith I was just really nervous and was concentrating to answer the question being asked.
“Anne is a superstar and was very kind, polite and gracious to all of us. It was a pleasure and inspiring to be in her presence,” say ni Miss Sorsogon.
Naintindihan naman ni Anne ang sitwasyon at sinabi nga niya kay Miss Sorsogon:
“All of you were nervous and had to concentrate on one of the most crucial parts of the pageant – Q&A. It was an honor to be a service to you and all the beautiful candidates. Ganyan lang talaga minsan. May mga kulit moments na hindi palalampasin ng Madlang People.”
Pero marami pa rin ang bumabatikos kay Miss Sorsogon dahil nag-feeling diva raw ito at ginawang alalay ang napakaganda at super sexy na si Anne.
Sabi naman ni Anne, wala raw ‘yun sa kanya at hindi na dapat palakihin pa.
Comments are closed.