ALBAY – MAKARAAN ang isang linggo, natagpuan na ng Philippine Coast Guard ang katawan ng babaeng nahulog sa bumaligtad na bangka sa karagatang sakop ng bayan ng Oas.
Ang katawan ni Mylene Rondina ay natagpuan sa pampang na sakop ng Brgy. Maramba.
Nobyembre 17 nang maganap ang sakuna nang bumaligtad ang sinasakyan niyang motorboat kasama ang kaniyang asawa at tatlo nilang mga anak sa karagatang sakop ng Libon.
Nagawa namang mailigtas ng mga mangingisda sa lugar ang mister at ang tatlong bata.
Nai-turn over na sa pamilya ng biktima ang kaniyang katawan. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.