PASAY – DUMATING kahapon ang labi ni Henry John Acorda sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa lungsod na ito na itinuturing bayani sa bansang Slovakia.
Alas-10:15 ng umaga nang lumapag sa NAIA ang eroplano na lulan ang labi ni Acorda na Slovakian Government Airbus 319.
Sinalubong ito ng kanyang mga kaanak, bitbit ang mga placard na hinihiling ang hustisya para kay Acorda at nagsuot ng mga itim na damit para sa katarungan sa pagkamatay ni Henry.
Ayon kay Philippine Ambasaador to Vienna Ma. Cleofe Natividad, tuloy-tuloy ang pag-usad ng kaso para sa hustisyang inaasam ng pamilya ng biktima.
Kumuha na rin ng abogado para kay Henry ang pamahalaan ng Slovakia na siyang tututok sa isinampang kaso laban sa suspek at ayon pa kay Natividad, aabot pa sa walong buwan bago isapinal ang magiging desisyon ng korte laban kay alyas Husso.
Bagama’t pinatawad na ni Ginang Estrella, ina ng biktima, ang pamahalaan at mga mamamayan nito hindi pa rin daw niya mapapatawad ang suspek na pumatay sa kanyang anak.
Nagpapasalamat din si Ginang Estrella sa pamahalaan ng Slovakia dahil sila mismo ang gumawa ng paraan para makauwi ang labi ng kanyang anak dito sa Filipinas, gamit ang eroplano ng pamahalaan ng Slovakia.
Ginawa rin kahapon ang hero’s welcome sa labi ni Acorda na inorganisa ng lokal na pamahalaan ng Taguig bilang pagpupugay sa kabayanihan nito. FROI MORALLOS
Comments are closed.