BINALAAN ni Senador Panfilo “Ping “ Lacson ang mga magtatangkang kumupit pa sa ilalaang pondo para sa pakikipaglaban sa COVID 19.
“Pagdating sa implementor sa baba, COVID ito baka mamaya haluan ng kupiy. E wala nang konsensiya ang mga ganoon. Isipin mo narito tayo nagkakamatay ang kababayan natin nagugutom pa ang iba maski walang sakit,” saad ni Lacson.
“Pero tapos makakaisip ka pang mangupit sa ibibigay na pondo ng gobyerno? ‘Yan walang karapatan mabuhay sa mundo siguro ‘yan, pardon the word pero dapat ‘yan nasa impiyerno na. Kasi wala na talaga, wala nang kaluluwa ang ganoong tao,” dagdag ni Lacson.
Sa gitna ito ng nakatakdang pag-apruba ng Kongreso ng panukala upang bigyang awtoridad ang Pangulo na mag-realign ng pondo upang maibigay naman sa mga lokal na pamahalaan at iba pang mga ahensya upang ayudahan ang taumbayan sa kasalukuyang krisis.
“Under normal circumstances, minsan pinipikit-pikit at tinatawanan natin minsan kinakantyawan na lang natin. Pero kung ganito na ang usapan, nagkakagutom ang iba at nagkakasakit ang iba, at hindi pa alam, unknown nga ang kalaban natin. Ang pinakamahirap na giyera di mo alam ano kalaban mo o sino kalaban mo. Ito di pa natin alam kasi unknown, wala pang cure,” diin pa ni Lacson. DS GARCIA
Comments are closed.