(Lacson pinarangalan din) EX-REBEL SOLDIER AT EDSA HERO CAVALIER AWARDEE SA PMA ALUMNI HOMECOMING 2020

Senador Panfilo Lacson

FORT DEL PILAR, BAGUIO CITY – CA­VALIER awardee ngayon ng Philippine Military Academy Alumni Home Coming ang dating rebel soldier at dating senador na si Department of Information,  Communications and Techno­logy na Secretary Gregorio Honasan.

Si Honasan na tinawag ding Edsa Hero makaraang makibahagi sa kudeta noong 1986 laban kay dating Pangulong Ferdinand Marcos subalit nabigo naman sa muling pag-aaklas sa panahon ni dating Pangulong Cory Aquino ay ginawaran sa kahusayan sa public administration.

Si Honasan ay mi­yembro ng PMA Matatag Class 1971.

Awardee rin ang mistah ni Honasan na si Senador Panfilo Lacson, dating PNP Chief, bilang mahusay sa public administration.

Ayon kay Capt. Cherryl Tindog,  spokesperson ng PMA, may parangal din si da­ting Quezon City Police District director BGen. Joselito Esquivel, PMA Class 88, na ngayon ay regional director ng Caraga.

Kabilang din sa Cavalier awardee ang mistah nina Philippine National Police (PNP)  Chief,  Gen.  Archie Gamboa at PNP Deputy Chief for Administration,  Lt.  Gen.  Camilo Pancratius P.  Cascolan sa PMA Sinagtala Class of 1986 si Ret.  Gen.  Lyndon Cubos na may huling posisyon bilang hepe ng Director For Personnel Records and Management (DPRM) sa kategorya na staff functions.

Ang iba pang awardee ay sina  Romeo Acop ng PMA Class 70, Cav Ariston Delos Reyes, 71, (Alumni Affairs), Cav Bernardo Fabula, PMA Class 85 (Private Enterprise), Cav Franco Neme­sio Gacal, PMA Class 88 (Command and Administration), Cav Joselito Esquivel Jr., 88, (Police Operations), Cav Charlie Rances, PMA Class 939 (Coast Guard Ope­rations), Cav Perfecto Magalong Jr., PMA Class 95 (Air Operations), Cav Rowan Rimas,  PMA Class 2001 (Naval Operations), at Cav Mark Anthony Ruby, PMA Class 03 (Army Ope­rations).

Ang  host ngayong taon ay Classes of 1960 (Diamond Jubilarians), 1970 (Golden Jubila­rians), 1995 (Silver Jubilarians), 2000, 2005, 2010, and 2015. EUNICE C

Comments are closed.