Mga laro ngayon:
(San Andres Sports Complex)
8:30 a.m. – JRU vs SSC-R (Men)
12 noon – JRU vs SSC-R (Women)
2 p.m. – Mapua vs EAC (Women)
4:30 p.m. – Mapua vs EAC (Men)
NAKAMIT ng College of Saint Benilde ang initial goal nito para sa matagumpay na back-to-back title run sa 25-19, 25-18, 25-22 panalo kontra Letran sa NCAA women’s volleyball tournament kahapon sa San Andres Sports Complex.
Nahila ang perfect run sa pitong laro, nakopo ng Lady Blazers ang kanilang ikalawang Final Four appearance magmula noong 2019. Nakarating din ang Benilde sa semis noong 2020, papasok sa 7-0 bago nakansela ang season dahil sa Covid-19 pandemic.
Nauna rito, winalis ng University of Perpetual System Dalta ang San Beda, 25-12, 25-20, 25-23, upang palakasin ang kanilang tsansa na makabalik sa Final Four na may 5-1 record sa solo second.
Nanguna si Gayle Pascual para sa Lady Blazers na may 17 points, habang nagdagdag si Jade Gentapa ng 15 points, kabilang ang match-clinching dump, at 7 receptions.
Masaklap ang pagkatalo ng Lady Knights dahil abante sila sa 11-6 sa limang sunod na service aces ni Judiel sa third set.
Naputol ang three-match winning streak ng Letran, at nahulog sa four-way logjam sa third place sa 4-2 kasama ang Arellano University, Lyceum of the Philippines University at Mapua.
Naging solid din si playmaker Cloanne Mondoñedo para sa Benilde na may 17excellent sets at napantayan ang 2 blocks ni Gentapa.
Tumapos si Nitura na may11 points habang umiskor din si Lea Tapang ng 11 points na sinamahan ng 6 digs para sa Lady Knights.
Pinaulanan din ng Lady Altas ang Lady Red Spikers ng 10 sa kanilang 16 service aces sa first set at nalusutan ang mainit na third set ng Mendiola-based side.
Nagbuhos si Mary Rhose Dapol ng 20 points, kabilang ang go-ahead kill na bumasag sa huling deadlock ng laro sa 23-23, at nakakolekta ng 10 digs upang pangunahan ang Perpetual. Naitala ni Dapol ang anim sa 16 aces ng Lady Altas.