LADY BRGY. COUNCILOR TINARAKAN NG ANAK

COTABATO – DEAD on the spot ang isang babaeng barangay kagawad makaraang saksakin ng sariling niyang anak sa loob ng kanilang bahay sa  Kidapawan City.

Agad namang nadakip ng Kidapawan Police Office  si Emi­liano Lagutin Cinco, 49, binata ng Purok 2, Brgy Gayola.

Nagtamo ng mga saksak sa leeg ang  biktimang si Mila Lagutin Cinco, 69-anyos na naninirahan din sa nasabing lugar.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, pasa­do  alas-4:00 ng hapon ay  pagtatalo ang mag-ina na nauwi sa pananaksak ng suspek sa ina.

Arestado ng awtoridad ang suspek na hinihinalang nagtangkang mag-suicide dahil sa nakitang sugat nito sa dibdib kaya agad  dinala sa pagamutan bago tuluyang ikinulong sa Kidapawan City-PNP.

VERLIN RUIZ