LADY BULLDOGS, LADY FALCONS SA FINAL FOUR

Standings W L

*DLSU 11 1

*NU 9 3

*AdU 9 4

UST 8 3

FEU 6 6

Ateneo 4 8

UP 1 11

UE 0 12

*Final Four

Mga laro ngayon: (Mall of Asia Arena)

9 a.m. – UST vs FEU (Men)

11 a.m. – UST vs FEU (Women)

3 p.m. – DLSU vs Ateneo (Women)

5 p.m. – DLSU vs Ateneo (Men)

PORMAL nang pumasok ang defending champion National University at Adamson sa Final Four makaraang pataubin ang mga sibak nang katunggali sa UAAP women’s volleyball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena.

Naitala ni reigning MVP Mhicaela Belen ang anim sa kanyang 21 points mula sa service zone para sa Lady Bulldogs na naitarak ang dominant 25-5, 25-15, 25-13 win kontra wala pang panalong University of the East upang kunin ang kanilang ikalawang sunod na Final Four berth.

Umabante ang Lady Falcons sa Final Four sa unang pagkakataon sa loob ng siyam na taon kasunod ng 25-22, 2725, 23-25, 25-15 panalo sa University of the Philippines.

Umangat ang NU at Adamson sa 9-3 at 9-4 records, ayon sa pagkakasunod, pinanatili ang karera sa walang larong University of Santo Tomas (8-3) para sa No. 2 spot at twice-tobeat bonus.

Dinomina ng Lady Bulldogs ang Lady Warriors sa attacks (34-17), service aces (13-1), at blocks (9-1).

“We are very happy lang po na na-apply namin ‘yung napagtrainingan namin. Lalo na po ‘yung sa service, which is dapat hindi na kami masyadong magerror,” sabi ni Belen, na kumamada ng 13-of-25 spikes at may dalawa sa siyam na blocks ng kanyang koponan.

“Naging advantage sa amin kasi naminimize namin ‘yung mga errors and tuloytuloy lang sa gameplan namin,” dagdag pa niya.