LADY BULLDOGS SA MILO HOMECOURT CAMPAIGN

milo

NADAGDAG ang women’s basketball team ng National University (NU) sa mga atleta na makikibahagi sa Milo Home Court campaign.

Ang Lady Bulldogs, na naging pinakamainit na women’s basketball team sa bansa matapos magwagi ng anim na sunod na University Athletics Association of the Philippines (UAAP) championships, ay kabilang sa online programs at social media activities ng Milo upang turuan ang mga bata ng basic sports skills habang nasa bahay.

“The rare combination of heart and skill that these ladies have shown on and off the court make them the perfect role models for kids and aspiring athletes. We are delighted to have the NU Lady Bulldogs be part of the Milo family,” pahayan ni Lester Castillo, Nestle Philippines’ assistant vice president.

Bilang tugon, sinabi ni dating NU star Jack Animam na, ““We are happy to be part of a campaign where we can utilize our abilities to motivate young girls and boys to pick up a basketball and pursue their dreams.”

Makakasama ni Animam sa online activities sina Monique Del Carmen at Camille Clarin.

“Through this program, we hope to teach kids to be determined and creative, which are essential attributes that make a true champion,” ani Clarin.

Ang Milo Home Court ay naging alternatibo para makapagbigay pa rin ang naturang sports drink brand ng edukasyon sa mga bata sa ilang sports sa gitna ng COVID-19 pandemic, na nagpatigil sa Milo Summer Sports Clinics ngayong taon. PNA

Comments are closed.