NAKAMIT ng University of Santo Tomas ang pinakamagandang first round performance nito sa siyam na taon habang pinutol ng Univer-sity of the Philippines ang two-match slide sa UAAP Season 81 women’s volleyball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre.
Nagtuwang sina Sisi Rondina at Eya Laure para sa 32 points nang mapalawig ng Tigresses ang kanilang perfect run sa tatlong laro sa pamamagitan ng 25-18, 25-14, 25-20 pagbasura sa University of the East.
Galing sa morale-deflating defeat, ang Lady Maroons ay bumawi sa pamamagitan ng 25-27, 25-14, 25-12, 25-21 panalo laban sa Adamson University.
Sa limang panalo sa pitong laro, ang UST ay umangat sa ikalawang puwesto, kasalo ang defending champion De La Salle, sa likod ng s league-best 6-1 card ng Ateneo.
Kasosyo ngayon ang Far Eastern University sa ika-4 na puwesto sa 4-3, ang panalo ay tiyak na magbabalik sa morale ng UP matapos ang back-to-back losses sa Ateneo at National University.
Ang first round mark ng Tigresses ay pinakamatikas magmula nang tumapos din sila sa 5-2 sa 2009-10 season kung saan pumangalawa ang Espa-ña-based squad sa Lady Spikers.
“Maganda pa rin ang puwesto namin kahit papaano. Noong nag-i-start kami, nagsisimula kami 0-2, 1-3, 2-3. Talagang naging maganda ang devel-opment ng team namin ngayon,” wika ni coach Kungfu Reyes, kung saan nalusutan ng UST ang season-ending knee injury ni Milena Alessandrini.
“Heto na nga, at least nandoon kami sa top three so far, sa first round. At 5-2, maganda-gandang motivation ito pagpasok ng second round,” dagdag pa niya.
Sa men’s division, tumipa si Lloyd Josafat ng 16 points, kabilang ang back-to-back clutch blocks na naghatid sa UE sa stunning 27-25, 24-26, 25-23, 18-25, 17-15 victory laban sa UST, na nagbasura sa 30-point outburst ni Wewe Medina.
Comments are closed.