LADY MAROONS WINALIS ANG LADY SPIKERS

Lady Maroons

Mga laro sa Miyerkoles:

(Filoil Flying V Centre)  

8 a.m. – UE vs NU (Men)

10 a.m. – Ateneo vs DLSU (Men)

2 p.m. – UST vs AdU (Women)

4 p.m. – NU vs DLSU (Women)

ANTIPOLO CITY – Nakumpleto ng University of the Philippines ang elimination round sweep sa defending champion De La Salle sa pa-mamagitan ng 25-16, 26-24, 25-19  panalo sa UAAP Season 81 women’s volleyball tournament kahapon sa Ynares Center dito.

Naitala ni Tots Carlos ang lahat ng kanyang 13 points mula sa spikes at nagpamalas ang Lady Maroons ng solid attacking game habang sinamantala ang  error-filled game ng Lady Spikers upang kunin ang ikalawang sunod na panalo.

Nauna rito ay nawala sa Far Eastern University si Lycha Ebon dahil sa injury subalit nagawa pa ring itakas ang 30-32, 25-20, 23-25, 25-20, 15-13 panalo kontra Adamson University.

Si Ebon, nanguna pa rin sa Lady Tamaraws na may 19 points, kabilang ang dalawang blocks, ay isinakay sa stretcher makaraan ang masamang pagbagsak sa fifth set.

Umangat ang FEU sa four-way tie sa UP, De La Salle at University of Santo Tomas sa 5-3.

“’Yung sa amin kasi, good na nanalo, pero bad na ‘yung mga player ko [na-injure]. Hopefully hindi ganoon ka-severe ‘yung mga injury nila. Sana makabalik sila sa next game namin,” wika ni Lady Tamaraws coach George Pascua.

Bukod kay Ebon, nagtamo rin si middle hitter Nette Villareal ng right ankle injury sa opening set at hindi na nakabalik sa laro.

Samantala, isang pares ng stunners ang yumanig sa men’s division, kung saan naitarak ng De La Salle, nakakuha ng 18 hits at 17 receptions mula kay Chris Dumago, ang 27-25, 25-22, 22-25, 25-23 panalo laban sa UST upang makatabla ang kanilang biktima sa 3-5, habang nakopo ng UP ang unang panalo sa ilalim ni  interim coach Rald Ricafort kasunod ng 25-20, 22-25, 25-20, 19-11, 15-11 decision laban sa UE.

Nagtala si Heather Guinoo ng 14 markers, habang umiskor sina Cza Carandang at Jerrili Malabanan ng tig-8 markers para sa FEU.

Comments are closed.