LADY PIRATES VS LADY BLAZERS SA FINALS

Mga laro sa April 11:
(Filoil EcoOil Centre)
12 noon – Perpetual vs San Beda (Men Finals)
2 p.m. – Benilde vs LPU (Women Finals)

PATULOY ang Lyceum of the Philippines University sa pag-ukit ng kasaysayan sa NCAA women’s volleyball tournament sa pagkopo ng kanilang kauna-unahang Finals stint sa 25-18, 20-25, 25-17, 26-24 panalo kontra University of Perpetual Help System Dalta sa step-ladder semifinals kahapon sa Filoil EcoOil Centre.

Makaraang makuha ang breakthrough Final Four stint, nais ng Lady Pirates na gumawa ng mas marami pang milestones.

Naisaayos ng LPU ang championship duel sa back-to-back title seeking College of Saint Benilde simula sa April 11 sa San Juan arena.

Nanguna si Joan Doguna para sa Lady Pirates na may 17 points, nagdagdag si Johna Dolorito ng 14 points, habang gumawa si playmaker Venice Puzon ng 20 excellent sets, kabilang ang 4 service aces.

Umiskor si Shai Umipon ng 17 points habang nag-ambag si Mary Rhose Dapol ng 13 points, kabilang ang 2 service aces, para sa Lady Altas.

Samantala, umusad ang San Beda sa men’s volleyball championship round sa unang pagkakataon magmula noong 2012 kasunod ng 27-25, 12-25, 25-17, 25-18 win kontra Arellano University.

Makakaharap ng San Beda ang three-peat seeking Perpetual, na nakasagupa rin nila sa championship appearance ng koponan, 11 taon na ang nakararaan, sa best-of-three series sa April 11.