NAKATATAWA naman ang asta ng lady producer na animo’y narating na ang popularidad ng kanyang mother na original na produ ng kanilang movie outfit na maglilimang dekada na sa industriya.
Imagine, kahit na titigan mo pa siya sa isang event kapag hindi ka niya feel, ay hindi ka niya babatiin. At ang gusto lang nitong chikahin ay ‘yung mga broadsheet writers at editors ng mga tabloid na mga close sa kanila ng mom niya. Samantalang ang nasabing produ ay ang galing-galing magpa-add friend sa Facebook account ng mga reporter pagkatapos siyang ma-add ay deadma na ang feeling sa hindi niya mga ka-level. Pagkatapos kapag nakita niya na ang nag-comment sa kanyang ina-upload na movies nila o activities sa FB ay walang name para sa kanya ay hindi niya pinasasalamatan pero kapag kilala ang name, hayun mabilis siyang nagpapa-thank you!
Well hanggang kailan naman kaya siya makakapagyabang? Hindi ba niya nararamdaman ang kanyang karma at ‘yung mga huling produced nilang movies ng kanyang mother dear ay pawang flop sa takilya?
RADIO PERSONALITY RON MERK ASSET NG ALIW MEDIA GROUP
MATAAS ang posisyon noon sa Bank of the Philippine Island (BPI) ng radio personality at magaling na business consultant na si Ma’am Ron Merk na patuloy na napakikinggan TTHs and Fridays sa DWIZ (882KHZ) sa afternoon business radio program na “In The Heart of Business” kasama sina Ms. Maru Sarne, Senator Cynthia Villar at Bong Osorio.
Dahil malawak ang connections at kilala ang malalaking tao sa lipunan ay sila ang madalas mag-guest sa show ni Ma’am Ron na napapanood rin via live streaming sa dwiz882.com. Hindi lang ‘yan, last June 5 ay pinangunahan ni Madam Ron ang Aliw Media Forum sa Dominga Bldg. sa Makati kung saan naging special nilang panauhin ang Governor ng BSP na si Sir Nestor A. Espenilla na bahagi pa rin ng In The Heart of Business.
Kasama rin sa nasabing regular forum si Mr. Benjie Ramos, isa sa head ng ALC Group of Companies at ang mga media correspondent ng Aliw Broadcasting. Maraming natutunan ang lahat sa diniscuss lalo na pagdating sa pananalapi. Si Ma’am Ron ay nasa likod din ng weekend show (every Saturday) ng husband na si Richard Merk na “Words & Music.” Siya rin ang namamahala sa career ng anak nila ni Richard na si Manna Merk.
EAT BULAGA NAG-CELEBRATE NG 40th ANNIVERSARY SA ERE
Bukod sa araw-araw na celebrations ng EB Dabarkads para sa 40 years ng Eat Bulaga sa ere, ay may inihahanda pang isang malaking selebrasyon ang no.1 noontime variety show sa Mega Manila at kung ano ito ay ‘yan ang dapat ninyong abangan. Ang ganda ng pa-trivia ng mga host kung saan nagsuot sila ng EB t-shirt at nakasulat doon kung anong taon silang nagsimulang maging parte ng Bulaga at siyempre ang pinakamatagal na rito ay ang hinangaan ng lahat na trio TVJ o Tito, Vic, and Joey na sa paglulunsad ng EB sa RPN9 noong Hulyo 30, 1979 ay sila na ang hosts. At bahagi rin ng kanilang anniversary celebration ay ang pagpalit nila ng katauhan kung saan susubukan nilang gawin ang trabaho ng kanilang production staff na majority ay ilang dekada na rin nilang kasama. Naging guest din nila ang mga naging champion o grand winner ng kanilang mga naging pakontes noon at ngayon.
Comments are closed.