LADY SPIKERS GAGANTI SA LADY MAROONS

lady spikers

Mga laro ngayon:

(Ynares Center)

8 a.m. – UP vs UE (Men)

10 a.m. – DLSU vs UST (Men)

2 p.m. – FEU vs AdU (Women)

4 p.m. – UP vs DLSU (Women)

SISIKAPIN ng De La Salle na maiganti ang isa sa dalawa nitong first round losses sa pagsagupa ng defen­ding three-time champions sa University of the Philippines sa paglipat ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament sa Ynares Center sa Antipolo City ngayon.

Ipinalasap ng Lady Maroons sa Lady Spikers ang una nitong kabiguan sa  season, 21-25, 25-20, 25-21, 20-25, 15-12, sa two-hour, 38-minute clash noong Marso 2.

Ito ang sumubok sa character ng De La Salle, na natalo rin sa University of Santo Tomas bago tinapos ang first round sa pamamagitan ng straight set win laban sa  University of the East at Far Eastern University para sa second-best 5-2 record.

“Well sinasabi ko rin sa team na kailangan na matigas ‘yung character kasi sa bawat team na na-encounter namin, makikita mo ‘yung leader doon, medyo matigas ‘yung character,” wika ni Lady Spikers mentor Ramil de Jesus.

“So, kailangan na ganoon din kami and ready pa naman sila i-improve ang sarili nila sa bawat training and sabi ko sa kanila, hindi naman tayo talented katulad ng ibang team, so nadadaan lang sa tiyaga,” dagdag pa niya.

Ang pinakaaabangang rematch ng De La Salle at UP ay nakatakda sa alas-4 ng hapon matapos ang duelo ng FEU at Adamson University sa alas-2 ng hapon.

Biglang tumamlay ang Lady Maroons makaraang gapiin ang Lady Spikers, na nagdulot ng pagdududa sa kanilang kakayahan makaraang magwagi ng dalawang off-season championships.

Tinapos ng FEU  ang first round campaign nito sa pamamagitan ng 15-25, 19-25, 24-26 panalo laban sa De La Salle sa rematch ng Season 80 Finals noong Marso 16.

Sa mainit na Final Four race, kailangang kumayod nang husto ng Lady Tamaraws para makapasok sila sa susunod na round.

Nasa huling puwesto na may 1-6 kartada, kailangang mag-ipon ng panalo ang Lady Falcons sa ilalim ni coach Onyok Getigan.

Sa men’s division, target ng UST na makatabla ang Adamson University sa fourth spot sa pagharap sa De La Salle sa alas-10 ng umaga, habang umaasa ang UE na makaulit sa wala pang panalong  UP sa alas-8 ng umaga.

Comments are closed.