Mga laro ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
8 a.m. – FEU vs UST (Men)
10 a.m. – UP vs DLSU (Men)
2 p.m. – FEU vs UST (Women)
4 p.m. – UP vs DLSU (Women)
MAGSASAGUPA ang De La Salle at University of the Philippines sa duelo ng fancied teams, habang bubuhayin ng University of Santo Tomas at Far Eastern University ang kanilang long-standing rivalry sa UAAP Season 81 women’s volleyball ngayon sa Smart Araneta Coliseum.
Nahaharap sa isa sa pinakamalaking banta sa kanilang paghahari, ang four-peat seeking Lady Spikers ay handa sa mabigat na hamon kontra Lady Maroons sa alas-4 ng hapon.
Magtatangka naman ang Tigresses sa ikalawang sunod na panalo laban sa Tamaraws, na sisikaping wakasan ang two-match slide sa unang laro sa alas-2 ng hapon.
Ang De La Salle ay kasalukuyang nangunguna na may malinis na 3-0 kartada, habang ang UP at UST ay nakaipit sa ‘three-way’ tie sa walang larong Ateneo sa ikalawang puwesto na may 2-1 marka.
Nasa labas ng top four range ang last season’s runner-up FEU na may 1-2 rekord, kasama ang University of the East at National University.
Dumaan ang Lady Spikers sa butas ng karayom laban sa Lady Bulldogs bago naitakas ang 25-10, 20-25, 27-25, 25-22 panalo noong nakaraang Miyerkoles.
Ininda ang pagkawala ni ailing setter Ayel Estrañero, ang Lady Maroons ay matikas na nakihamok bago nalasap ang 24-26, 27-25, 16-25, 20-25 pagkatalo sa Tigresses noong Linggo.
Mabubuo na ang puwersa sa pagbabalik ni Estrañero, nag-iingat si De La Salle mentor Ramil de Jesus sa maaaring ipakita ng UP.
“’Yung UP kasi kahit ‘yung mga second stringers nila, mabigat din,” ani De Jesus. “May weak point din sila at sana ma-maximize kung ano ‘yung kahinaan kung ano’ng meron sila.”
Sa men’s division, sisikapin ng FEU na mabawi ang solo lead sa pagsagupa sa UST sa alas-8 ng umaga, habang magtutuos ang UP at De La Salle sa bakbakan ng mga wala pang panalong koponan sa alas-10 ng umaga.
Comments are closed.