Standings W L
DLSU 9 0
AdU 6 2
UST 6 3
NU 5 3
FEU 4 5
Ateneo 3 5
UP 1 7
UE 0 9
Mga laro sa Sabado:
(Smart Araneta Coliseum)
10 a.m. – NU vs UP (Men)
12 noon – NU vs UP (Women)
2 p.m. – AdU vs Ateneo (Women)
4 p.m. – AdU vs Ateneo (Men)
NALUSUTAN ng La Salle ang matikas na pakikihamok ng Far Eastern University sa first at third set upang maitakas ang 30-28, 25-12, 28-26 panalo at manatiling walang talo sa UAAP women’s volleyball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena.
Nag-step up si 5-foot-7 Baby Jyne Soreño para kay injured Leila Cruz, sinuportahan sina Angel Canino at Jolina dela Cruz upang tulungan ang Lady Spikers sa league-best 9-0 record.
Si Cruz ay na-sideline dahil sa ACL injury sa kanang tuhod matapos ang masamang pagbagsak sa straight-set win ng La Salle sa defending champion National University noong Sabado.
“Talagang nawalan kami ng isang vital part sa team so we have to move on,” wika ni Lady Spikers assistant coach Noel Orcullo.
Nauna rito, dinispatsa ng University of Santo Tomas ang University of the East, 25-17, 25-16, 25-17, upang manatiling nakadikit sa second-running Adamson.
Ang Tigresses, nanalo sa kanilang huling anim na laro kontra Lady Warriors, ay umangat sa 6-3, naghahabol sa Lady Falcons ng kalahating laro para sa ikalawang twice-to-beat slot sa Final Four.
Pinunan ni Soreño ang butas na iniwan ni Cruz para sa La Salle, kung saan naitala niya ang apat sa kanyang 8 points sa third set.
Gumawa si Canino ng 16 kills at 15 receptions habang nagdagdag si Dela Cruz ngb13 points, kabilang ang 2 service aces, 14 digs at 6 receptions para sa Lady Spikers.
Nahulog ang Lady Tamaraws sa 4-5 sa fifth place, naghahabol ng one-and-a-half game sa Lady Bulldogs (5-3) sa karera para sa huling Final Four berth.
“’Yung first set we started flat. Niremind lang namin sila kung bakit nawawala tayo sa sistema. Iba yung ginagalaw niyo sa pinractice natin,” sabi ni Orcullo.
Nanguna si Eya Laure para sa Tigresses na may 17 points at 4 receptions, nagdagdag si Imee Hernandez ng 8 points, kabilang ang 2 service aces habang sina Regina Jurado at Pia Abbu ay umiskor ng tig-7 points.