LADY SPIKERS SASALO SA LIDERATO

lady spikers

Mga laro ngayon:

(Filoil Flying V Centre)

8 a.m. – NU vs UE (Men)

10 a.m. – DLSU vs AdU (Men)

2 p.m. – NU vs UE (Women)

4 p.m. – DLSU vs AdU (Women)

TARGET ng defending champion De La Salle na samahan ang University of the ­Philippines sa liderato sa pagsagupa sa mapanganib na Adamson University sa UAAP Season 81 women’s volleyball tournament ngayon sa Filoil Flying V Centre.

Nagtatangka sa ika­lawang sunod na panalo, ang Lady Spikers ay naghanda para sa matikas na floor defense ng Lady Falcons sa tampok na laro sa alas-4 ng hapon.

“We just hope to continue to do well in our next game and wor­king on some of our flaws. We have not seen much of Adamson but we have to be ready,” wika ni De La Salle coach Ramil de Jesus.

Sa isa pang women’s match sa alas-2 ng hapon ay puntirya ng University of the East at National University na makapasok sa win column.

Sa kabila ng pag-graduate nina key players Kim Kianna Dy, Majoy Baron at Dawn Macandili, ay nananati­ling malakas ang Lady Spikers.

Sa pamumuno ni Desiree Cheng, katuwang sina May Luna bilang starter at rookie Jolina dela Cruz, mainit na sinimulan ng De La Salle ang four-peat bid nito sa pamamagitan ng 25-14, 25-17, 16-25, 25-19 panalo laban sa mahigpit na katunggaling Ateneo noong Linggo.

Pinahirapan muna ng Lady Falcons ang University of Santo Tomas bago nalasap ang 21-25, 21-25, 26-24, 26-24, 6-15 decision noong Linggo.

Samantala, sisikapin ng men’s titleholder NU na makabawi mula sa opening day loss sa Far Eastern University sa pagharap sa UE sa alas-8 ng umaga, habang target ng Adamson University na sumosyo sa liderato sa pakiki­pagtipan sa De La Salle sa alas-10 ng umaga.

Comments are closed.