LADY SPIKERS WALA PA RING TALO

Mga laro sa Sabado:
(Philsports Arena)
10 a.m. – FEU vs DLSU (Men)
12 noon – FEU vs DLSU (Women)
2 p.m. – UP vs UST (Women)
4 p.m. – UP vs UST (Women)

NALUSUTAN ng La Salle ang mabagal na simula upang pataubin ang University of the East, 25-20, 25-21, 25-14, at mahila ang kanilang perfect run sa apat sa UAAP women’s volleyball tournament kahapon sa Araneta Coliseum.

Naitala ni Thea Gagate ang lima sa 15 blocks ng Lady Spikers at kumana ng 8-of-13 mula sa spikes upang tumapos na may 13 points, nagpamalas si rookie Angel Canino ng solid all-around game na may 10 points, 8 receptions at 7 digs, habang nagpakawala si Jolina dela Cruz ng 2 service aces para sa nine-point outing.

Ang tanging undefeated team sa season, ang 4-0 simula ng La Salle ang pinakamatikas buhat nang simulan ang 2014-15 campaign na may anim na sunod na panalo.

Samantala, dinispatsa ng Adamson ang University of Santo Tomas, 25-15, 25-17, 25-19, upang umangat sa 3-1 sa standings.

Sumandal ang Far Eastern University sa kanilang rookies upang gapiin ang Ateneo, 25-12, 15-25, 19-25, 25-15, 18-16, at umakyat sa 2-2, nahigitan ang disappointing one-win campaign noong nakaraang taon.

Pinaalalahanan ang Lady Spikers na magpakita ng respeto sa kanilang mga katunggali, pinuna ni interim coach Noel Orcullo ang mabagal na simula ng koponan, kung saan agresibo ang Lady Warriors, lalo na sa attacks.

“Actually, we started slow. Masyado kaming nagkampante. First two sets parang sinasabayan lang yung laro ng kalaban so hindi kami nag-stick doon sa game plan namin,” sabi ni Orcullo.

Nanaig ang Lady Warriors sa spiking department, 40-30, kung saan naipasok ni Van Bangayan ang 14-of-28 attacks. Si Ja Lana ang isa pang UE player sa double-digits na may 11 kills at kumolekta ng 8 digs.

Tumipa si Jov Fernandez ng 18 points, kabilang ang go-ahead kill na bumasag sa huling pagtatabla sa laro sa 16-16, at 13 digs, ngunit sina rookies Alyzza Devasora, Mitzi Panangin, libero Marga Encarnacion at Gerzel Petallo ang nagningning para sa Lady Tamaraws.

Nahulog ang Tigresses sa 2-2 katabla ang Lady Tamaraws.

Ang UST ay malayong-malayo sa koponan na tumapos sa 20-match winning run ng defending champion National University kung saan wala sa tropa ni coach Kungfu Reyes ang nagposte ng double figures sa scoring.