NAGBUHOS si Carmelo Anthony ng 28 points mula sa bench upang tulungan ang Los Angeles Lakers na maitakas ang 121-118 panalo laban sa bisitang Memphis Grizzlies noong Linggo ng gabi.
Nagsalansan si Anthony Davis ng 22 points, 8 rebounds at 4 blocks, tumapos si LeBron James na may 19 points, 6 rebounds at 6 assists, at tumipa si Russell Westbrook ng 13 points at 13 assists para sa Lakers, na naiwasan ang 0-3 simula sa ikalawang pagkakataon sa loob ng apat na taon.
Tumirada si Ja Morant ng 40 points at 10 assists, umiskor si Desmond Bane ng 17 points at nag-ambag si Steven Adams ng 14 points at 16 rebounds para sa Grizzlies, na nagtatangka sa 3-0 start.
CELTICS 107,
ROCKETS 97
Kumana si Jayson Tatum ng 31 points at nagdagdag si Grant Williams ng career-high-tying 18 mula sa bench nang makopo ng Boston Celtics ang unang panalo sa 107-97 pagdispatsa sa Houston Rockets sa Toyota Center.
Bumuslo si Tatum ng 12-for-24 at kumalawit ng 9 rebounds, at nalusutan ng Boston ang pagkawala ni Jaylen Brown (knee) sa pamamagitan ng balanced attack.
Nagsimula si Williams sa 4-for-4 mula sa floor, kabilang ang 3-for-3 on 3-pointers habang tumabo sina Dennis Schroder at Al Horford ng 18 at 17 points, ayon sa pagkakasunod.
Ang Celtics ay nagbigay ng 22 assists sa kanilang 38 field goals at umiskor ng 28 points sa 20 turnovers ng Houston.
WARRIORS 119,
KINGS 107
Binasag ni Gary Payton II ang ika-19 at huling pagtatabla sa laro sa isang 3-pointer, may 8:53 ang nalalabi at nalusutan ng Golden State Warriors ang late scoring drought ni Stephen Curry upang payukuin ang host Sacramento Kings, 119-107.
Tumapos si Curry na may game-high 27 points, subalit hindi siya nakaiskor sa fourth quarter, na nagsimula nang abante ang Warriors sa 90-88.
Kumana si Andrew Wiggins ng dalawang 3-pointers at isinalpak ni Juan Toscano-Anderson ang ikatlo matapos ang key long-distance hoop ni Payton sa pull-away ng Golden State.
HORNETS 111,
NETS 95
Nagpasabog si Miles Bridges ng 32 points at nanatiling walang talo ang Charlotte Hornets nang maitakas ang 111-95 panalo kontra host Brooklyn Nets.
Umangat ang Hornets sa 3-0 nang ma-outscore ang Brooklyn, 61-37, matapos ang halftime nang maghabol sila ng walo. Nakopo nila ang ikatlong sunod na panalo makaraang ma-outscore ang Indiana Pacers at Cleveland Cavaliers ng pinagsamang 33 points sa second half.
Kulang lamang si Bridges ng isang puntos para sa kanyang career best na naitala noong April 16 sa Brooklyn. Ang fourth-year forward ay bumuslo ng 9 of 16 mula sa field, nagsalpak ng 11 sa 12 free throws at kumalawit din ng 9 rebounds.
Pinangunahan ni Kevin Durant ang lahat ng scorers na may 38 points at bumagsak ang Brooklyn sa 7-3 sa home openers magmula nang lumipat mula sa New Jersey noong 2012.
Nagdagdag si James Harden ng 15 points, 8 assists at 7 rebounds at ang isa pang player na nagtala ng double figures para Nets, na bumuslo ng 43.7 percent mula sa floor at sumablay ng 26 sa 35 3-point tries.
152090 888259Sweet internet site , super style and design , rattling clean and utilize genial . 784693
210556 681736Thrilled you desire sensible business online guidelines keep wearing starting tools suitable for the specific web-based business. cash 781427
216280 937221Wonderful post. I appreciate your attention to this topic and I learned a great deal 650686
311725 384964Good read, I just passed this onto a colleague who was doing some research on that. And he in fact bought me lunch as I discovered it for him smile So let me rephrase that: Thank you for lunch! 764422
410495 35891Hey, you?re the goto expert. Thanks for haingng out here. 143102
434912 489308No much more s . All posts of this qaulity from now on 596187