NAGING sandigan ng Boston Celtics ang mainit na simula at matikas na pagtatapos upang pataubin ang Los Angeles Lakers, 126-115, nitong Lunes sa Christmas clash ng dalawang matagumpay na NBA franchises.
Nagbuhos si Kristaps Porzingis ng 28 points at kumalawit ng 11 rebounds at nagdagdag si Jayson Tatum ng 25 points para sa Celtics, na nalusutan ang 40-point effort mula kay Lakers star Anthony Davis.
Ang laro sa pagitan ng dalawang koponan na pinagsasaluhan ang record para sa pinakamaraming NBA titles na may tig-17 ay isa sa limang laro sa Christmas Day na nagsimula sa 129-122 panalo ng New York Knicks laban sa Milwaukee Bucks sa Madison Square Garden.
Ginapi ng reigning champion Denver Nuggets ang Golden State, 120-114, sa salpukan ng huling dalawang title winners.
Umiskor lamang si Lakers star LeBron James, galing sa 40-point performance sa panalo kontra Thunder sa Oklahoma City noong Sabado, ng 16 points sa five-of-14 shooting. Nagdagdag si James ng 9 rebounds at 8 assists.
Kumarera ang Celtics sa 12-0 lead at lumamang ng hanggang 18 bago sinimulan ng Lakers na tapyasin ito.
Umiskor si Davis ng 20 first-half points, nag-drive sa basket na tumapyas sa deficit sa 58-57 sa waning seconds ng first half.
Mavericks 128,
Suns 114
Nagposte si Luka Doncic ng 50 points, 14 assists, 6 rebounds, 4 steals at 3 blocked shots at naabot din ang 10,000 career points habang pinangunahan ang Dallas Mavericks sa panalo laban sa host Phoenix Suns on Monday night.
Umabot si Doncic sa 50 points sa ika-6 na pagkakataon sa regular season at gumawa ng walong 3-pointers para sa Dallas na nanalo ng ikalawang sunod makaraang matalo sa apat sa huling limang laro.
Nagdagdag si Derrick Jones Jr. ng 23 points, nakalikom si Dereck Lively II ng 20 points at 10 rebounds at umiskor si Tim Hardaway Jr. ng 18 points para sa Mavericks.
Tumipa si Grayson Allen ng Phoenix ng season-high 32 points at napantayan ang kanyang career best na walong 3-pointers. Si Chimezie Metu ay may career bests na 23 points at 19 rebounds para sa Suns, na natalo sa siyam sa kanilang huling 12 games.
Nag-ambag si Devin Booker ng 20 points at 10 assists, umiskor si Kevin Durant ng 16 points at gumawa si Eric Gordon ng 14 para sa Suns.