LAKERS INAPULA ANG BLAZERS; NETS NILAMBAT ANG WARRIORS

NAITALA ni LeBron James ang 20 sa kanyang 37 points sa second half at humabol ang Los Angeles Lakers mula sa 25-point halftime deficit upang gulantangin ang Portland Trail Blazers, 121-112, noong Linggo.

Ang Lakers, umiskor lamang ng 13 points laban sa 45 ng Portland sa second quarter, ay bumalik sa pagiging unang koponan na nagwagi sa isang laro kung saan natalo ito sa isang quarter ng 30 o higit pa matapos na gawin ito ng Boston Celtics kontra Buffalo Braves noong 1972.

Ang remarkable reversal ay isa lamang sa dramatic comeback sa gabing pinataob ng Brooklyn Nets — nakakuha ng 38 points mula kay Kyrie Irving — ang NBA champion Golden State Warriors, 120-116, sa San Francisco.

Gayunman, ang dalawang nangungunang koponan sa Western Conference — ang Denver Nuggets at Memphis Grizzlies — ay hindi nakabawi mula sa maagang deficits, yumuko ang Denver sa Oklahoma City Thunder, 101-99, at natalo ang Memphis sa Phoenix Suns, 112-110.

Sa Portland, mainit ang naging simula ng Lakers team na nagkukumahog para sa consistency sa pagkawala ni injured Anthony Davis, isinalpak ang kanilang unang anim na tira patungo sa maagang 14-point lead.

“But the second quarter saw them falling apart on both sides of the ball,” sabi ni coach Darvin Ham.

Subalit umiskor si James ng 16 points sa third quarter at nagdagdag si Dennis Schroder ng 14 habang tinapyas ng Lakers ang deficit sa lima papasok sa final frame.

“Thank god for the standing eight count,” ani James. “We were able to stay in the bout.”

Tumapos si Schroder na may 21 points at nag-ambag si Thomas Bryant ng 31 points at 14 rebounds para sa Lakers, na nabawi ang kalamangan sa three-pointer ni Bryant sa kalagitnaan ng fourth at kinuha ang bentahe sa floater ni Bryant — mula sa pasa ni James — may 5:08 sa orasan.

“We just challenged the team,” sabi ni Ham sa locker room conversation sa halftime.

“There’s 24 minutes left. Twenty-five points is a huge deficit but in the NBA … playing the right way you can cut into it pretty quickly and give yourself a chance.”

Sa San Francisco, pinangunahan ni Irving ang paghabol ng Nets, subalit sa depensang inilatag sa kanya ng Warriors, si Royce O’Neale ang nagsalpak ng go-ahead three-pointer, may 28.5 segundo ang nalalabi.

Isinalpak ni Irving ang pares ng free throws upang selyuhan ang panalo.

“Total team effort,” sabi ni Irving makaraang ma-outscore ng Nets ang Warriors, 27-10, sa huling pitong minuto.

Sa Denver, tumipa si Oklahoma City’s Shai Gilgeous-Alexander ng 34 points nang putulin ng Thunder ang nine-game winning streak ng Nuggets.

Sa Phoenix, nadominahan ng Suns ang malaking bahagi ng laro, umabante ng hanggang 29 points sa third quarter para sa Memphis upang tapyasin ang kalamangan sa dalawa, wala nang 30 segundo ang nalalabi.

Naging matatag ang Suns, umiskor si Mikal Bridges ng 24 points at nagdagdag si Chris Paul ng 22 at 11 assists sa kanyang pagbabalik mula sa hip injury.

Sa Los Angeles, sumandig ang Clippers, sa pangunguna ng 30 points at 9 rebounds ni Kawhi Leonard, sa late surge upang pataubin si Luka Doncic at ang Mavericks sa Dallas, 112-98.