TUMABO si Dario Saric ng 21 points mula sa bench upang pangunahan ang bisitang Phoenix Suns sa 114-104 panalo laban sa short-handed Los Angeles Lakers sa kabila ng pagkakatalsik ni All-Star Devin Booker sa third quarter noong Martes (US time).
Umiskor si Mikal Bridges ng 19 points, nagdagdag sina Deandre Ayton at Booker ng 17 at gumawa si Jae Crowder ng 15 sa apat na 3-pointers para sa Suns, na nanalo ng tatlong sunod at ika-6 sa pitong laro.
Sa panalo ay nakatabla ng Suns ang Lakers sa No. 2 spot sa Western Conference.
Nagbigay si Phoenix’s Chris Paul ng10 assists na may kasamang 8 points.
Tumipa si LeBron James ng 38 points at nagbigay ng 6 sassists para sa Lakers, na naglaro na wala sina center Marc Gasol (health at safety protocols) at forward Kyle Kuzma (heel contusion).
Nag-ambag sina Dennis Schroder ng 17 points, Talen Horton-Tucker ng 16 at Markieff Morris ng 12.
NUGGETS 128,
BUCKS 97
Naitala ni Nikola Jokic ang kanyang ika-50 career triple-double na may 37 points, 11 assists at 10 rebounds upang tulun-gan ang Denver Nuggets na gapiin ang Milwaukee Bucks, 128-97.
Ito ang ika-9 na triple-double ni Jokic sa season at naiposte niya isang gabi makaraang tumapos siya na may 39 points, 14 rebounds at 9 assists sa panalo kontra Bulls habang nakuha ng Denver ang ikatlong sunod na panalo sa five-game road trip.
Umangat ang Nuggets sa 41-9 kapag tumatapos si Jokic na may triple-double at naging epektibo sa opensa sa pagbuslo ng 55.8 percent (53-for-95). Pinutol nila ang five-game winning streak ng Bucks sa kabila ng pagkamada ni Giannis Ante-tokounmpo ng 27 points, 8 rebounds at 3 assists.
GRIZZLIES 125,
WIZARDS 111
Nagbuhos si Ja Morant ng 35 points at kumana si De’Anthony Melton ng career-high six 3-pointers upang igiya ang bi-sitang Memphis Grizzlies sa125-111 panalo kontta Washington Wizards.
Naipasok ni Morant ang 11 sa 18 shots mula sa floor at nagdagdag ng 10 assists upang pangunahan ang Grizzlies sa ka-nilang ikatlong panalo sa apat na laro.
Tumapos sina Melton at Dillon Brooks na may tig-20 points para sa Memphis, at nagdagdag si Brandon Clarke ng 14.
Umiskor si Washington’s Bradley Beal ng 23 points at nag-ambag si Russell Westbrook ng 23 na may season-high-tying 15 assists. Gayunman ay naging responsable si Westbrook sa walo sa 22 turnovers ng koponan.
Umiskor si Robin Lopez ng 14 points at nagdagdag sina Davis Bertans at Deni Avdija ng 11 at 10, ayon sa pagka-kasunod, mula sa bench para sa Wizards, na natalo ng dalawang sunod makaraang manalo ng pito sa huling walong laro.
SPURS 119,
KNICKS 93
Nagposte si Trey Lyles ng season-high 18 points upang pangunahan ang balansiyadong atake ng San Antonio Spurs tungo sa 119-93 panalo kontra New York Knicks.
Abante ang Spurs ng apat na puntos sa half at na-outscore ang New York ng 15 points sa third quarter. Nagtala sina Patty Mills at Trey Lyles ng pinagsamang 17 points sa period para sa San Antonio sa surge.
HAWKS 94,
HEAT 80
Bumanat si Trae Young ng personal 13-1 run sa fourth quarter upang tulungan ang Atlanta Hawks na palimigin ang host Miami Heat, 94-80.
Nag-init si Young, na gumawa lamang ng limang puntos sa tatlong quarters, sa fourth at pinutol ng Atlanta ang six-game win streak ng Miami, na longest active run sa NBA.
May average na 26.5 points papasok sa laro, si Young ay tumapos na may 18 points at 10 assists.
Sa iba pang laro, nagbuhos si Kemba Walker ng 25 points upang pangunahan ang Boston Celtics sa 117-112 panalo kontra bisitang Los Angeles Clippers
apakah anda tahu situs judi slot online yang sedang membagikan angpao untuk para membernya, yaitu situs https://agathethebook.com/
Daftar saja di Situs judi bola online terbaik karena deposit via pulsa hanya tersedia di situs taruhan Pialabet online terbaik